Derek Ramsay: "Marami ang nagsasabi sa akin na, 'Derek, malalaos ka, gamitin mo ang ABS para sa few more years para sumikat.' Hindi ako manggagamit, I won't ever do that. Hindi ako manggagamit ng ibang artista para sumikat, hindi ako manggagamit ng network para sumikat. Para sa akin, kaibigan, friend, I will be myself. If people will idolize me, follow me for that, I think there's more pride in that rather than na sumasabay ka sa success ng iba or sumasakay ka sa success ng network."

 

Nag-expire na ang kontrata ni Derek Ramsay sa ABS-CBN noong February 29.

Pero bago pa man ito nangyari ay pumutok na ang balita na lilipat na raw ang aktor sa TV5.

Agad namang nilinaw ni Derek na bagamat totoong may offer sa kanya, hindi pa raw siya pumipirma sa kahit na anong network. 

Inamin naman ni Derek sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na naipadala na sa kanila ng ABS-CBN ang panibagong kontrata niya, pero isa raw itong bagay na kailangang pag-aralan at pag-isipan muna niyang mabuti.

"Everybody knows about this, I've been honest since day one, even to my mother network, na when they gonna renew me, I said, 'Wait, I wanna weigh things, think and make decision with an open mind.'

"I have been with ABS for six years now, most of my showbiz career, and I'm very thankful for that.

"But there are things that will happen, things that have changed.

"I want to weigh the scale and see where my career is gonna go.

"Marami ang nagsasabi sa akin na, 'Derek, malalaos ka, gamitin mo ang ABS para sa few more years para sumikat.'

"Hindi ako manggagamit, I won't ever do that.

"Hindi ako manggagamit ng ibang artista para sumikat, hindi ako manggagamit ng network para sumikat. 

"Para sa akin, kaibigan, friend, I will be myself. 

"If people will idolize me, follow me for that, I think there's more pride in that rather than na sumasabay ka sa success ng iba or sumasakay ka sa success ng network. 

"I haven't made a decision, everybody is jumping into conclusions that I made a decision, that I will stay in ABS, that I will transfer in TV5.

"I was with ABS 'til my contract expired, so ako, I'm taking my time, my family is taking the time. It's not an easy decision to me.