Sharon Cuneta on her first show on TV5: "Regalo ko sa lahat ng mga Sharonians na naghihintay na, ano kaya ang io-offer ko ngayong nasa TV5 na ako? So ako naman, I'm proud to say, na parang hindi naman ako nagkamali at nandito na tayo magkakasama sa Happy Network. I really get all the support from the bosses [TV5 management], na very mapagmahal, very hands-on. Hindi talaga puwede umere hangga't hindi pa okey na okey yung show."

Photo: Courtesy of TV5

Aksidenteng nakasalubong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Megastar na si Sharon Cuneta sa lobby ng isang five-star hotel noong nakaraang linggo.

Galing sa isang meeting si Shawie at nagpaunlak naman ito ng maiksing panayam.

Kinumusta muna namin ang Megastar at nakangiti niyang sagot, "Mabuti, bising-busy sa paghahanda ng show sa ngayon."

Ang tinutukoy ni Sharon ay ang kanyang upcoming daily show sa Kapatid network.

Patuloy pang kuwento ng Megastar tungkol sa kanyang bagong show, "Actually iba siya, hindi siya yung usual na musical-variety.

"First time na I'm doing something like this and I'm very happy about it.

"Kasi it's been three decades [na gumagawa ako ng musical-variety] kaya sabi ko, 'Ano ba yung puwede na gawin ko na iba naman?'

"So punung-puno ng puso. Ayoko munang sabihin eksakto pero ibang-iba siya—it's all good things, all good things."

Ito ba ang pinapangarap niya talagang show mula noon pa?

Sabi ni Sharon, "Isa sa pinaka-pangarap ko. And since it's a daily show, magkakaroon din ng musical, so I'm very happy about it."

Napag-alam ng PEP na ang titulo ng unang programa ni Sharon sa TV5 ay Sharon, Kasama Mo Kapatid.

 

Nakapagsimula na rin daw sila ng taping ng ilang episodes.

Dagdag pa niya, "Nagsimula na kami so this month [March] ipapalabas.

"We'll just fine-tuning on something para paglabas, magandang-maganda siya."

Ito na raw ang matagal nang inaabangang palabas ng mga Sharonians simula nang lumipat ang singer-actress sa TV5.