Alessandra de Rossi says there's no rivalry among her Legacy co-stars Lovi Poe and Heart Evangelista as each one tackles independent roles: "Kasi nga, ang ganda-ganda ng pagkakagawa ng characters naming tatlo na ibang-iba talaga."

 

"Na... yung isa maganda.  Yung isa, masungit.  Tapos yung isa, yung character ko nga... palengkera.

Photo: Noel Orsal

Sobrang sexy si Alessandra de Rossi sa suot niyang outfit nang bumulaga sa lobby ng bagong building ng GMA-7 matapos ng kanyang appearance sa Party Pilipinas kahapon, March 18.

  

Biro nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa aktres, siguro ay may bago siyang lovelife kaya bukod sa pagsusuot ng very revealing na damit ay blooming din ang kanyang beauty.

"Wala namang guy na nakakapansin sa beauty ko!" sabay tawa ni Alex (palayaw ni Alessandra)

"At iyon na lang ang isyu sa akin! Kasi walang isyu sa akin ngayon.

"Hindi ko alam kung bakit walang sinumang lalake na nakakapansin sa akin. 

"Tuloy, wala pa rin akong dyowa until now!" natawa ulit ang aktres.

Dagdag pa niya, "Kaya nga ang point ko, ano pang sense na iinterbyuhin ako kung wala naman akong dyowa?!

"Alam n'yo naman ang artista, 'pag walang lovelife, parang wala ring career!"

Hindi pa ba career ang pinag-uusapang laging nakaw-eksena niya sa primetime drama series ng GMA-7 na Legacy?

"Pero wala naman akong interview!" buwelta niya.

"Ano ang isi-sit-down interview n'yo sa akin?

"Wala akong dyowa... wala akong dyowa!" tumatawa-tawa pa ring patuloy na pagbibiro niya.

ZERO LOVELIFE. Bakit nga wala siyang boyfriend? Choice niya?

"Actually, wala talaga.

"Kasi nga, katulad ng ilang taon ko nang sinasabi—bahay-taping, bahay-taping lang ako.

"E, wala naman [puwedeng maging dyowa] sa taping.