"Parang it's too soon to be working together," says Carla Abellana when asked if she misses working with boyfriend Geoff Eigenmann in a project.

 

 

Photo: Rose Garcia

Isa si Carla Abellana sa mga naghanda sa magkasamang selebrasyon ng birthday at fans' day ng kasintahang si Geoff Eigenmann na ginanap kahapon, March 18, sa multi-purpose building ng Immaculate Conception sa Cubao, Quezon City.

Mahigit isang daan na fans na masasabing malapit sa dalawa ang dumating. 

Magkasama namang dumating sina Carla at Geoff sa nasabing venue.

Kuwento ni Carla sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "May katulong akong nag-prepare. Siyempre with his fans, his manager Perry Lansigan. 

"Siyempre, nagtulung-tulong kami sa party na ito.

"At the same time, mero'n kaming giveaways para sa kanilang lahat. Meron kaming prizes.

"Yung yun is what we've doing from the past weeks, we're preparing for this."

GIFT FOR GEOFF? Sa March 23 ang actual 27th birthday ni Geoff. Ano naman ang birthday gift ni Carla sa kanyang boyfriend?

"Wala pa, wala pa. Na-pressure naman ako bigla!" natatawang sabi ng aktres.

"Wala pa akong gift. May ilang days pa ako para mag-isip. So, sandali lang.

"Lahat ng gusto ni Geoff na material things, nabibili na niya. 

"Binibili niya, inuunahan na niya ako, so nauubusan ako ng idea.

"Pero I have few days pa naman.

"Siguro bibisitahin ko na lang siya sa set."