news

Governor ER Ejercito on being snubbed by Golden Screen Awards: "Sana naisama [kahit nomination]. Pero kung ayaw nila, maybe next time."

by Arniel C. Serato posted on March 19, 2012  STATS: 1038 Views | 21 Comments

 

Governor ER Ejercito on his P100,000 sponsorhip donation to the Entertainment Press Society (EnPress) last year: "Hindi ko naman pinapabalik, e, donation ko yun. Lahat naman halos ng award-giving bodies, e, kapag humihingi ng sponsorship sa akin, binibigyan ko naman. Galing sa puso yun, hindi ko naman kailangan ipabalik pa."

Photo By: Noel Orsal

Lumikha ng maraming kontrobersiya ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story bago pa man ang nakatakdang pagpapalabas ng pelikulang ito ni Governor ER Ejercito noong Metro Manila Film Festival (MMFF) 2011.

Nagkaroon kasi ng gusot sa pagitan ng produksiyon at sa direktor ng pelikula na si Tikoy Aguiluz.

Noong Gabi ng Parangal ng MMFF ay nagkaroon din ng kaunting tensiyon nang tanghaling Best Actor si Dingdong Dantes para sa pagganap nito sa Segunda Mano.

Umalma ang kampo ni Governor ER at inakusahan nila na naimpluwensiyahan ng naunang pahayag ni Kris Aquino ang resulta ng Best Actor category.

Si Kris, co-star ni Dingdong sa Segunda Mano, ay nagsabing nais niyang manalo ang kapareha dahil sa ipinakita nitong husay sa pelikula nila.

Umaasa rin ang mga tagasuporta ni Governor ER na ito ang magwawagi dahil sa paniniwala nilang napakagaling ng actor-politician sa pagganap nito bilang Asiong Salonga.

THE CONTROVERSY. Ngayong taon ay nagsimula nang mimigay ng mga parangal ang iba't ibang award-giving bodies sa mga katangi-tanging pelikula at pagganap para sa mga pelikulang nagawa noong nakaraang taon.

Nauna nang nagbigay ng parangal ang Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na ginanap noong March 15 sa Meralco Theater.

Parehong nominado rito sina Governor ER at Dingdong, pero ang nagwagi ay ang actor-politician ka-tie si Aga Muhlach para sa In The Name of Love.

Sa March 24, Sabado, ay gaganapin naman ang Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society (EnPress).

Dito ay nominado si Dingdong sa kategoryang Best Actor, pero nabigong makakuha ng nominasyon si Governor ER.

Dahil dito ay umalma ang kampo ng Laguna governor, partikular na ang publicist nito na si Jobert Sucaldito.

Sa pamamagitan ng personal Facebook account niya at maging sa columns niya sa tabloid at programa sa radyo, maaanghang na salita ang binitawan ni Jobert laban sa EnPress dahil sa hindi pagkakasama sa listahan ng nominado si Governor ER.

Rason ng publicist, ang tangi lamang daw hangad ng kanilang kampo ay ang ma-recognize ang acting ni Governor ER sa pamamagitan ng nominasyon pero hindi nga ito nakasama sa kanilang talaan.

Sinabi rin ni Jobert sa kanyang Facebook account na dapat ibalik na ng EnPress ang P100 thousand sponsorship na ibinigay ng gobernador noong nakaraang taon para sa Golden Screen TV Awards.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

21 Comments

  • 21  updatedako

    03/28/2012 | 11:04 AM
    Kakadiri talaga etong news na ito. Bakit ba sya namimilit na i-nominate sya? Ang showbiz talaga sa Pilipinas is a big joke!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  xenaako

    03/21/2012 | 03:57 AM
    infairness nman sa acting ni Dingdong sa movie na yun, may improvement naman. magaling nman talaga siya dun. Yung mga haters naman kasi, wag naman puro hatred. HIndi ba pweding mag improve ang artista? nakew
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  xenaako

    03/21/2012 | 03:53 AM
    Bakit isasauli yung pera Jobert? SOHOL ba yun? Bakit walang utang na loob? dahil hindi nila nanominate si ER as best actor? so you are trying to say na dapat nanominate si ER dahil sa 100k na donation nya? ANO KAYA YUN??? alam nah! haha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  ogagikaw

    03/20/2012 | 09:53 PM
    looser.kakahiya naman etong si er ejercito at sucaldito..bitter na bitter ang dating lahat yata ng giving body na di sila ma nominate aawayin,,walang sportmanship,,eh kaya pala humakot ng awards sa mmff dahil nandun tito nya si jesse ejercito..gusto kuhanin lahar katulad ni erap ..gusto kamkamin lahat .pag di nakuha parang batang nagtratrantrums pag di naibigay ang gusto..ampalayang ampalaya dating
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  MadamClaudia

    03/20/2012 | 07:21 PM
    gumawa na naman ng kontrobersya si Sucaldito, hini naman niya kailangan banggitin na nagdonate si ER nang 100 thousand pesos nakaraang taon, parang lumalabas na binili niya ang recognitaion niya kung ganon dahil sa may utang na loob...shockkking Sucaldito hindi nag iisip, mas lalong nawalan ng sympatya ng tao dahil sa binanggit mong 100 thousand na hindi naman dapat binabanggit pa, palakasan system ang gustong mangyari ni Sucaldito....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  kapamilyaito

    03/20/2012 | 04:08 PM
    i think he deserves a nomination man lang. si dingdong talaga namang gwapo at matipuno pero oo nga naman. bakit si dingdong na hilaw na hilaw ang acting ay na-nominate samantalang di naman pwedeng isnabin ang ginawang acting ni ER Ejercito sa Manila kingpin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  Pulmoll_0709

    03/20/2012 | 02:18 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  2psinapod

    03/20/2012 | 02:08 PM
    Tama lang na mag-abstain ang publicist sa voting. There is a great conflict of interest involved. Konting delicadeza lang. Ang hindi pagka sama ni Gov. Ejercito sa nomination assures them that the Governor will never get the award. The margin for the nomination process is so slim but they have no qualms eliminating the Governor. Lutong Macao.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  BurningElement

    03/20/2012 | 12:14 PM
    Halatang-halata. ano b yan hindi na nahiya. Public Official pa mandin na nagbigay ng sponsorship eh un pala hinihinay na may kapalit na nomination. Delikadeza lang po....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  bananakiller00

    03/20/2012 | 12:02 PM
    nickycruz actually hndi siya nakakahiya kase kung napanood mo yun movie talaga namang karapat dapat si gov kahit man lang nomination.. eh itong si dingding wala naman binatbat sa acting yan puro laki lang ng mata singkit singkitan pagtigas ng panga.. i dont know wala naman ng credible na award giving bodies ngayon
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  nickycruz

    03/20/2012 | 07:43 AM
    Nakakahiya na ang isang public official tulad niya ay walang delikadeza sa pagsabing dapat na-nominate siya o di kaya´y nanalo ng award MMFF. Ang kapal ng mukha! Hindi man lang maghintay na ibang tao ang magsabi. Sila lang ng publicist niyang mas makapal pa ang mukha ang panay ang talak.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  DUBAIEYE

    03/20/2012 | 03:58 AM
    dapat paalisin n yng SUCALDITO n yn DUMI xa ng showbiz dpt walisin!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • puckerlips143

    03/20/2012 | 01:04 AM
    Kairita na ito si ejerceto grrrr dami reklamo magtayo ka nga ng sarili mong awards at ikaw lagi panalo kaloka ka.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lucky7

    03/19/2012 | 08:22 PM
    bakit hindi na lang sila gumawa ng sarili nilang award awardan. tapos palanunin niya ang sarili niya sa bawat category, pareho din yon sigurado pa siya, kesa bigay ng bigay sa star awards, mmff, mas mura pa siguro.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kansilay

    03/19/2012 | 08:21 PM
    Tama ang disisyon ng EnPress na ibalik ang datung pra wala silang tatanawin na utang na loob! Buking kna Sulcadito donasyon kapalit ng pabor na best actor?? Kaya pala sabi ni Gov. noon ng hndi cia manalo sa MFF marami pa nman dw award giving bodies kc lahat pala may donasyon cia! So grabeng expectation! Lolz.,Buking kna Sucaldito gapangan pala ang style! Ang isda pala hndi nahuhuli sa buntot kundi sa bibig! Ang layo ng Credibilty nyo ni Ms.Rose! Magpaturo ka kong paano kainin ang PIPINO hndi yan sinasalpak kong saan2x! Ewww..lolz,.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lawrenzo

    03/19/2012 | 07:13 PM
    Kakahiya naman ang mag among ito. Ayaw nga kayong i nominate.. ayos lang. Dapat hindi kayo ang nakikipaglaban kundi ang publiko para sa inyo. Uhaw na uhaw ng awards itong si Gob.. di ba Joebert? hehe.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Aginaya

    03/19/2012 | 07:13 PM
    Malaki kasi ang bayad ni ER sa aso nyang si Jobert. Baka di pakainin pag hindi nanominate sa lahat. Teka ER, yung 100k sa pera ba ng Laguna mo kinuha? Aminin!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bhellyposh

    03/19/2012 | 06:58 PM
    ano ba yan ang swapang sa award,mamamatay ba ang isang artista kung hindi nanominate o walang award.Naku ha kalurkey kayo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gorgeous_aleck

    03/19/2012 | 06:58 PM
    wow, gob! gusto mo yata ma-nominate sa lahat ng award-giving bodies. ikaw na!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • chakachaka

    03/19/2012 | 06:29 PM
    lols delikadeza lang. bakit ba pinagpipilitan kung ayaw sya inominate? kanya kanyang taste lang yan...only in the Philippines...lols
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About