Geoff Eigenmann says he owes his success to fans who have followed his career from the beginning. He shares that most of his fans were already with him even when he was still with ABS-CBN. In fact, according to him, it was them who said: "Sige, lumipat ka na, we'll support you no matter what."

Photo: Rose Garcia

For the past three years ay palagi nang kasama ni Geoff Eigenmann ang kasintahang si Carla Abellana tuwing nagdiriwang ng kanyang kaarawan ang aktor.

Hindi nga naiiba ang taong ito dahil magkasama na naman sila sa advance birthday celebration at fans day ni Geoff na ginanap kahapon, March 18, sa multi-purpose building ng Immaculate Conception Church sa Cubao, Quezon City.

Every year naman daw ay iba-iba rin ang nagiging selebrasyon nila.

Ayon kay Geoff, "Last year, may taping kami ng Magic Palayok noon kaya sa set noong mismong birthday ko. 

"Ngayon naman, may taping din ako ng Legacy, so work muna.

"Pero ngayon, sa mga fans muna.

"Sila muna yung kasama namin na magse-celebrate."

Dumating si Geoff sa birthday cum fans day kasama nga si Carla.  

Pero ayon kay Geoff, parang surprise na rin daw sa kanya ang naturang kasiyahan.

"I only found out last minute, few days ko lang nalaman na meron.

"Nang magkita kami ni Perry [Lansigan, Geoff's manager], nag-usap kami. 

"I asked, 'Is there any plans for next week?' Sabi niya, 'Oo naman.' 

"So, ako, okay naman, game ako sa naging plano.

"And then, nalaman ko na alam na pala niya [Carla] noon pa!" natatawang kuwento ni Geoff.

GRATEFUL TO FANS. Malaki palagi ang pasasalamat ni Geoff sa mga fans niya na mula pa  noon ay sumusuporta na sa kanya kaya naglalaan siya ng araw at anumang meron siya ay mai-share sa kanila.