news

Part 2. Direk Brillante Mendoza on criticisms of Captive at Berlin Film Festival: "Nandoon ako, nakita ko kung paano dinumog yung pelikula ko, kung paano pinalakpakan."

by William R. Reyes posted on March 21, 2012  STATS: 1639 Views | 8 Comments

As far as his most recent film projects are concerned, multi-awarded film director Brillante Mendoza considers Captive as one of the more controversial films he has directed. Captive earned both rave reviews and negative critiques after it was exhibited in film festivals abroad. In this interview, Direk Brillante laments that after Captive's numerous exhibitions abroad, it has not been and cannot be shown yet in the Philippines.

Photo By: Courtesy of Brillante Mendoza

Bukod sa bago niyang project kasama si Nora Aunor, binanggit din ni Direk Brillante Mendoza sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pelikula niyang Captive, na napasali sa Main Competition ng 62nd Berlinale (Berlin International Film Festival) sa Germany noong Pebrero 9-19, 2012.

Nang makabalik siya sa bansa matapos ang 10-day filmfest, wari'y naging "tahimik" ang kampo ni Direk Brillante. 

Kung may iba mang filmfest abroad na pagpapalabasan ang Captive o kung maire-release na sa ating bansa para mapanood na ito ng mga Pilipino ay nananatiling palaisipan.

"Wala pa rin," sabi ng direktor on Captive's other prospects.

Paliwanag niya, "Ang mga pelikula ko kasi, they have international distributors. 

"Ang mga international distributors ang nagde-decide.

"Ang sitwasyon kasi diyan, kapag ang isang pelikula naipalabas sa isang festival, hindi lahat ng mga naipapalabas na pelikulang Pilipino sa abroad ay may distributors. 

"Karamihan, sa festival lang sila. Yung mga pelikula ko, like Captive, may mga distributors sila. 

"The distributors decide where the film should go. Diskarte na nila 'yan.

"Once naipasok mo na sa major festivals, ang mga susunod na festivals, depende na sa distributors.

"Halimbawa, [like Lola], nabenta na ba ito sa Spain? 

"Kung nabenta na, ano ba yung major festivals sa Spain na puwede itong ipalabas?

"In the case of Captive, after it competed in Berlin, wala na akong kinalaman—it's now the distributor's decision."

So far, Captive, according to Brillante, has been sold for distribution to countries like Spain, Italy, Portugal, Brazil, France, and Belgium. 

"Marami na siyang iikutan," banggit pa niya.

1  2  3  4  5  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

8 Comments

  • rockabye

    03/22/2012 | 12:13 AM
    Ang estufida talaga ni hugo sinampal ng bakulaw..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • labkokapuso

    03/21/2012 | 02:48 PM
    sana nga masama na sa OSCARS ang susunod na movie mo. Good Luck po direk!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • MissHugoBacungan

    03/21/2012 | 12:15 PM
    ABS CBN NEWS PA ANG NAGKAKALAT NA LUKEWARM REVIEWS FOR MENDOZAS CAPTIVITY. Sa halip na tumulong sa POSITIVE campaign para sa movie ni Brilliante na Captive, ang ABS CBN News reporting team pa ang nangunguna sa PAGKAKALAT ng mga so-so review at mga lukewarm reviews para sa pelikulang pilipino ni direk brilliante.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • harmonizer2

    03/21/2012 | 11:36 AM
    Ms Baculao, you tell the same story to your network.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • MissHugoBacungan

    03/21/2012 | 10:19 AM
    CONGRATS. Sana makaroon ng KRUSADA sa ABS CBN para tumulong ang dos sa pagpo promote ng movie ninyo, kahit pa may foreign distributors pang involved. Sabi nga the more the merrier, kaya kung TAPAT at tunay ang pinangangalandakan ng ABS CBN na serbisyong kapamilya sa mga pinoy, sana tumulong din sila sa promo kahit walang bayad.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Tyler11

    03/21/2012 | 10:11 AM
    Nagbabasa ka ba? Foreign distributors ang may hawak ng pelikula,once na naisali na yun sa festival! Wala nang control si Brillante, o kung sino mang taga "pinas dyan. Pag-aari na yan ng festival organizer. Bakit ABS-CBN ang ni-rerequire mong mag promote? Read the article.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • MissHugoBacungan

    03/21/2012 | 09:03 AM
    PINOY KA IPAGMALAKI MO. Ganyan ang catchline sa ABS CBN. Pero bakit HINDI tulungan ng ABS CBN na i promote ang movie na CAPTIVE na ayon kay Direk Brillante ay dapat ipagmalaki ng mga PINOY? Dapat lang na magpakita ng magandang halimbawa ang ABS CBN, otherwise, IBA ang sinasabi ng kanilang network sa mga palabas, kaysa sa tutoong saloobin nila sa loob ng ABS CBN.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • BERNARD2010

    03/21/2012 | 07:41 AM
    Kahanga-hanga ang si Brillante Mendoza.Dapat nire-recognized ng mga Award Giving Bodies ang kakayahan nya bilang pagbibigay ng espesyal na karangalan na nagtataas ng antas sa ating mga Pilipino sa larangan ng entertainment.He's brilliant.Nakikilala ang Pilipinas dahil sa mga pelikula nyang bumubukas sa katauhan ng bansa natin.Mataas na ang pagkilala sa kanya sa ibat-ibang panig ng mundo.Dapat marating nya ang OSCARS at makuha nya ang Best Foreign Language Film in the future.Congrats Direk!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About