news

Ronald Singson plans to produce movies; says he and Lovi Poe "still see each other"

by Glen P. Sibonga posted on March 20, 2012  STATS: 685 Views | 10 Comments

 

Ronald Singson on producing movies: hindi naman iyan ganun kadali. "Siyempre baguhan lang tayo dito sa ganitong klaseng... dito sa industriyang ito. So, I'm trying to be careful, I'm trying to take it slow para hindi tayo magkamali. Kasi ang dami diyan na nagpo-produce ng movie, napakataas ng budget 'tapos mahihirapan para bumawi. So, we're trying to be really careful about it."

Photo By: Noel Orsal

Mula sa pagpo-produce ng concerts at pagdadala sa Pilipinas ng sikat na foreign artists, desidido na si dating Congressman Ronald Singson na palawakin pa ang kontribusyon niya sa entertainment industry ng bansa sa pamamagitan ng pagpo-produce ng mga pelikula.

"We're trying to produce a movie, hopefully.

"Like I said, before nagpo-produce kami ng concerts, we were helping in bringing international talents.

"This time, we want to produce something local para matulungan naman natin yung lokal na industriya natin, yung showbiz industry dito sa Pilipinas."

Ito ang inihayag ni Ronald sa panayam sa kanya ng Showbiz Exclusives na napanood sa GMA News TV Channel 11 kaninang umaga, Marso 20.

Matatandaang bago nakulong si Ronald sa Hong Kong ay itinatag nila ng kaibigang si Jomari Yllana ang Fearless Production, na nagpoprodyus ng malalaking concerts ng international artists.

Naitanong din sa dating kongresista kung tungkol saan naman ang unang pelikulang ipo-produce niya at kung isasali niya ba ito sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre?

"Hindi pa namin alam dahil, like I said nga, pinag-uusapan pa lang yung concept, pinag-uusapan pa lang yung story.

"Siyempre, of course, hindi naman iyan ganun kadali. Siyempre baguhan lang tayo dito sa ganitong klaseng... dito sa industriyang ito.

"So, I'm trying to be careful, I'm trying to take it slow para hindi tayo magkamali.

"Kasi ang dami diyan na nagpo-produce ng movie, napakataas ng budget 'tapos mahihirapan para bumawi.

"So, we're trying to be really careful about it," saad ni Ronald.

LOVI POE. Ngayong wala pang definite cast ang ipo-produce niyang pelikula, sumagi ba sa isip niya na kuning bida si Lovi Poe? Tutal ay may pinagsamahan naman sila ng aktres na matagal nang nauugnay sa kanya.

"No, no, no. I don't think so," sagot ni Ronald.

Pero kumusta na ba sila ni Lovi ngayon?

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

10 Comments

  • 10  Paradigm

    03/22/2012 | 01:41 PM
    They are bestfriends with Benefits actually. Ingat lang Lobi pow baka tataba ka gaya ni Halingling ng gme.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • shobizaddict

    03/21/2012 | 06:53 PM
    Seeing each other, sa mga Westerners means, mag bf at gf na walang committment. As usual walang inamin na relasyon si Lovi
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • shobizaddict

    03/21/2012 | 06:52 PM
    QueenKurdapia, nakulong na sya sa Hong Kong, two years ata sentensya nya. Hindi sya appointee ni PNoy, ibinoto sya ng mga tao. At wala na din sya sa Congress, if i'm not mistaken, nag resign sya bago pa sya tigbakin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • QueenKurdapia

    03/21/2012 | 08:48 AM
    What happened to his supposedly jail time? Politics as usual lang ba dahil may kaya at nasa politika ang pamilya? Bakit walang ingay sa mga grupo at mga organisasyon? Kung fairness lang naman ang hinahanap ng mga tao, bakit walang ingay pati ang administrasyon ni pnoy. Nakakaloka talaga ang justice system ng bansa. Ilang mga pinoy na ba ang pinatay sa bansa ng mga intsik China dahil sa drug smuggling? Dahil ba sa mga iyon ay walang kaya, mga katulong , at trabahador lang. Paging pinoy and the justice system. Hoy singson family, mahiya naman kayo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • winged_angel

    03/21/2012 | 03:38 AM
    Ugly, evil piece of sht.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • prettylittleliar

    03/20/2012 | 11:24 PM
    i think he's cute..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Paradigm

    03/20/2012 | 10:18 PM
    Eto yata ang pyuchur leading man ng gme.. bagay sila ni lobe pow!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • glen

    03/20/2012 | 06:08 PM
    Hahaha. Agree number 1.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pinay_rn

    03/20/2012 | 05:02 PM
    who cares anyway?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • rotoscaper

    03/20/2012 | 04:13 PM
    bago ang plano mo mag produce ng movie magplano ka munang magbago. pakulong ka muna 20 years, ser.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About