Vilma Santos on people telling her to concentrate being a politician and forget acting: "Kung sa the other side ko of my being Vilma Santos ipatanggal n'yo, e, hindi mo na matatanggal yun. Siyam na taon pa lang ako, kasama ko na 'yan. Kayo nga kako, dumadalaw sa Kapitolyo, kayo pa mismo nagpa-picture sa akin, e."

Photo: Noel Orsal

Kabilang si Governor Vilma Santos-Recto sa pitong pinarangalan mula sa 80 governors sa buong Pilipinas ng Community Based Monitoring System (CBMS ) para sa kanyang kapuri-puring pamamalakad sa probinsiya ng Batangas.

Ang naturang award ay masasabing katumbas ng best actress award na hindi na mabilang kung ilang beses nang natanggap ni Ate Vi (taguri kay Vilma).

Matapos tanggapin ng Star For All Seasons ang parangal noong Lunes, March 19, ay nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Chef Jessie Restaurant sa Rockwell, Makati.

MULTI-AWARDED PUBLIC SERVANT. Para kay Vilma, halos walang pagkakaiba ang kanyang natatanggap na parangal bilang isang artista at pulitiko.

 

Aniya, "Well, halos pare-pareho rin.

"Sa showbiz ang mga natanggap ko, e, sobra-sobra na ang mga achievements ko riyan. 

"Kahit paaano, masuwerte na rin ako. Nakatanggap na ako ng box-office [queen award], best actress, lifetime achievement awards...

"Ang maganda lang naman dito sa pulitika, at least, napunta ako sa public service.

"And yet, kahit paaano, e, nare-recognize din naman ang mga trabahong ginagawa ko as a public servant.

"Fullfilment din 'yan at kakaiba rin ang excitement—isang malaking bagay na rin yun para sa akin.

"I mean, yung mabigyan ako ng award sa public service... 16 years na rin ako dito.

"Sabi ko, malaki-laki na rin ang tinatrabaho ko rito at mahalaga na rin yun para sa akin.

"Parang best actress award."

Aminado si Ate Vi  na kahit ang dami na niyang natanggap na awards ay hindi maaaring hindi siya kabahan tuwing tatanggap ng parangal.

"Dito naman sa pulitika, e, definitely alam mo na. Kumbaga, yun lang ang difference.

"Ang recognition sa pagiging public servant, alam mo na may ginagawa kang maganda.