Vilma Santos on people telling her to concentrate being a politician and forget acting: "Kung sa the other side ko of my being Vilma Santos ipatanggal n'yo, e, hindi mo na matatanggal yun. Siyam na taon pa lang ako, kasama ko na 'yan. Kayo nga kako, dumadalaw sa Kapitolyo, kayo pa mismo nagpa-picture sa akin, e."

Photo: Noel Orsal

"Basta sa ngayon, this is my life now. 

"Excting din naman, actually. Kumbaga, tuluy-tuloy din naman ang trabaho ko.

"Ang maganda lang dito, nakaka-inspire kasi alam mong gumagana ang utak mo.

"Alam mong may responsibilidad kang dapat mong harapin.

"Kumbaga, alam mong may mga constituents kang umaasa sa 'yo.

"'Andiyan ang pamilya parati para sa akin.

"Yun ang mga bagay na yun ang nagbibigay sa akin ng adrenaline.

"Andiyan si Ralph [Recto, her husband] to guide me."

MOVIE OFFERS. Sabi pa ng Star for All Seasons, hindi pa rin daw nawawala ang offers sa kanya na gumawa ng pelikula.

"Kahit alam nilang hindi ko magawa lahat, pero hindi nawawala ang mga offers.

"I mean yung mga bagay na 'yan, nakakapagbigay ng inspirasyon sa akin. And yet, one at a time lang.

"At least all the oppurtunies 'andiyan.

"Yung mga taong naniniwala pa rin sa mga kakayahan ko, yun ang nagbibigay sa akin ng inspirasyon talaga.

"So, kung yun lang ang kaya ko, yun lang ang gagawin ko.

"Sa totoo lang, ilang beses nang humihingi ng meeting sa akin sina Chit Guerrero at Charo [Santos-Concio] ng meeting.