news

Part 1. Governor Vilma Santos on detractors urging her to choose between acting and politics: "Hindi ako nagpapabaya sa trabahong ibinigay sa akin."

by Jimi Escala posted on March 21, 2012  STATS: 1377 Views | 28 Comments

 

Vilma Santos on people telling her to concentrate being a politician and forget acting: "Kung sa the other side ko of my being Vilma Santos ipatanggal n'yo, e, hindi mo na matatanggal yun. Siyam na taon pa lang ako, kasama ko na 'yan. Kayo nga kako, dumadalaw sa Kapitolyo, kayo pa mismo nagpa-picture sa akin, e."

Photo By: Noel Orsal

Kabilang si Governor Vilma Santos-Recto sa pitong pinarangalan mula sa 80 governors sa buong Pilipinas ng Community Based Monitoring System (CBMS ) para sa kanyang kapuri-puring pamamalakad sa probinsiya ng Batangas.

Ang naturang award ay masasabing katumbas ng best actress award na hindi na mabilang kung ilang beses nang natanggap ni Ate Vi (taguri kay Vilma).

Matapos tanggapin ng Star For All Seasons ang parangal noong Lunes, March 19, ay nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Chef Jessie Restaurant sa Rockwell, Makati.

MULTI-AWARDED PUBLIC SERVANT. Para kay Vilma, halos walang pagkakaiba ang kanyang natatanggap na parangal bilang isang artista at pulitiko.

 

Aniya, "Well, halos pare-pareho rin.

"Sa showbiz ang mga natanggap ko, e, sobra-sobra na ang mga achievements ko riyan. 

"Kahit paaano, masuwerte na rin ako. Nakatanggap na ako ng box-office [queen award], best actress, lifetime achievement awards...

"Ang maganda lang naman dito sa pulitika, at least, napunta ako sa public service.

"And yet, kahit paaano, e, nare-recognize din naman ang mga trabahong ginagawa ko as a public servant.

"Fullfilment din 'yan at kakaiba rin ang excitement—isang malaking bagay na rin yun para sa akin.

"I mean, yung mabigyan ako ng award sa public service... 16 years na rin ako dito.

"Sabi ko, malaki-laki na rin ang tinatrabaho ko rito at mahalaga na rin yun para sa akin.

"Parang best actress award."

Aminado si Ate Vi  na kahit ang dami na niyang natanggap na awards ay hindi maaaring hindi siya kabahan tuwing tatanggap ng parangal.

"Dito naman sa pulitika, e, definitely alam mo na. Kumbaga, yun lang ang difference.

"Ang recognition sa pagiging public servant, alam mo na may ginagawa kang maganda.

1  2  3  4  5  6  7  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

28 Comments

  • 28  hototguy

    03/23/2012 | 02:59 PM
    hugo pwede ba manahimik ka, hindi mo rin naman nauunawaan ang salitang oportunista. sana kahit sa basag na salamin ay sumilip ka, at malalaman mo ang kasagutan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  MissHugoBacungan

    03/23/2012 | 10:25 AM
    GOVERNOR VI AND STARS TAKING ADVANTAGE OF THEIR FAME. Yung mga artistang ginagamit ang FAME para maluklok sa puwesto, marami niyang sa Pinas. They seize the opportunity habang kuha nila ang simpatiya ng mga fans, yang mga artistang ganyang ay mga OPORTUNISTA! They intend to SPIN and use for their OWN BENEFIT the unsuspecting FANS and supporters. Shame shame shame shame on you! GOVERNORSHIP is NOT A PART TIME JOB, it is a full time public service job!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  labandera75

    03/23/2012 | 02:27 AM
    Hoy Miss Hugo BACOCANG. Anong whistleblower sinasabi mo. Oras na bumaba po si Mam Vilma sa pagiging governor, ang maririnig po ninyo ay PAG-PITO po ng mga tunay na humahanga sa kanya kasi hanggang ngayon sexy pa po sya. Ay nakupo, wala pa man usok gusto mo yata ay magkaroon ng naglalagablag na apoy eh. O baka ang sinulat mo ay WISH MO LANG na magkaroon talaga si Mam Vilma ng ikapupuna sa kanya. Naniniwala ako sa kasabihan na WALANG USOK KUNG WALANG SINUSUNOG!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  JokoNazMan

    03/21/2012 | 05:44 PM
    Basag na basag si MsHugo dito. halatang inggit na inggit. Dapat dun sya sa news ni Ate Guy! Bakit sya dito nagbabad kay ate vi! hahaha. Kakaawa sya...baka atakihin sa puso yan... hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  hototguy

    03/21/2012 | 03:08 PM
    Ang nakikita ko kay Misshugo ay INGGIT lang. Isang talunan either sa kanilang idolo o sa pulitika. Yan lang naman yan. Kahit saan mo sipatin, kahit patagilid... INGGIT NA INGGIT KA LANG!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  hototguy

    03/21/2012 | 03:06 PM
    Misshugo, bakit di ka magreklamo sa nalalaman mong yan. hwag kang mag alala kung totoo man ang sinasabi mo, may kakampi ka. pero kung ang motibo mo ay manira lang, may kalalagyan ka. tandaan mo yan!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  MissHugoBacungan

    03/21/2012 | 01:19 PM
    WHILE IN POWER. People would only say good things to a politician who is in power, other than the opinions and comments of their political enemies. The FINAL mark will be known once Governor Vi step out of the governorship position. May maglalakas ng loob bang mag WHISTLE blower dyan, eh naka UPO pa si Governor Vi sa puwesto, pati na yung kinakasama niyang si Mr Rafael Recto! FEAR fear fear. Majority in their practical senses will sh ut up to avoid any VIOLENT retaliation from the party in review.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  mamamomchang

    03/21/2012 | 10:02 AM
    Ano na naman ang reklamo ng mga noranians sa parangal ni Ate Vi? Kung inggit lang yan maghahari sa inyo huwag na lang kayong mag comment. Bali baligtarin man ninyo ang mundo, marami ng achievements si Ate Vi na siya lang nakagawa. Being successful as an actress at politician ay mahirap gawin. Kaya kahanga hanga talaga si Ate Vi. Walang ginagawang masama sa inyo si Vilma kaya magsitigil na kayo. Hindi ninyo maiaangat ang idolo ninyo sa pagbagsak ni Vilma. Vilma is the winner at alam na ng lahat yan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  JokoNazMan

    03/21/2012 | 09:51 AM
    Oy mga Noranians, may news na rin sa idol nyo kaya dun na kayo magbabad, magcomment at purihin nyo ng bonggang bongga. Mga insecure at halatang binabasa at inaalam nyo mga news kay Ate Vi. Ako di ako mag cocomment ng bad kay Ate Guy sa news nya, kasi di ko naman binabasa at di ako interesado sa kanya. Ganun din dapat kayo... Mga Neganian!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  JokoNazMan

    03/21/2012 | 09:49 AM
    Oy mga Noranians, may news na sa idol nyo, kaya dun na kayo magbabad at mag comment. Mga insecure kayo... Halatang inaalam nyo lahat ng news kay Ate Vi. Dun kayo mag comment sa idol nyo at purihin nyo din. Pero ako, di ako magcocomment dun dahil di ko sya gusto at di ako interesado sa mga news sa kanya. Ganun dapat! hehehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  jemburee

    03/21/2012 | 08:07 AM
    Gov. Vilma Santos is an icon in showbiz and I would say politics. In showbiz, no one has achieved such magnitude of diverse and excellent acting. Multi awarded, with a good human spirit. With that good natured human spirit she has excelled in politics too. Batangas has changed so much in her leadership, and she has transformed Batangas into tourist attraction and provided livelihood projects for the Batanaguenos. She deserves to be respected as she's very trust worthy in both movie industry and politics.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  javakula

    03/21/2012 | 05:49 AM
    Bakit si Bong Revilla at Lani Mercado ay both politicians at nag aartista din, pero bakit di naman sila pinapapili. Why Vilma Santos lang ang sinasabihan mamili between pag aartista at pagiging politician?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  palengkera

    03/21/2012 | 05:42 AM
    Labandera75, LOL! Pinatawa mo ako nang husto sa comment mo - 13. Ikaw na! Kalokah ang mga Vilmanians!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  lanalang08

    03/21/2012 | 05:03 AM
    ate vi baguhin mo naman ang style nang attire mo. since maging politician ka eh wala ka nang isinuot sa anuman okasyon kundi ganyan outfit. palitan mo naman we know you are a government official and you have to dress up professionally pero time to change your uniform. make it formal and simple not like the one you have been wearing since you started your career as politician.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  opinion_ko_to

    03/21/2012 | 03:43 AM
    i Really Love Vilma Santos!and my MOM love her too!!!God Bless Vilma!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  labandera75

    03/21/2012 | 12:56 AM
    Palengkera, at ano sinasabi mo figurehead si Mam Vilma ng mga Recto. At least, si Mam Vilma ay may sexy figure pa kahit na ganyan ang edad nya, AT she can use her HEAD, kasi matalino po ang idolo namin. Ikaw, tingnan mo sarili mo baka ka mag describe ng ibang tao, baka ikaw, SIRA ANG FIGURE, and HINDI GUMAGAMIT NG HEAD. I said my piece.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  labandera75

    03/21/2012 | 12:51 AM
    Kahit saan angulo tingnan, si Mam Vilma ay isang mabuting ehemplo ng isang Government Official. Ilang artista na ba ang sumabak sa pulitika pero kadalasan ay palpal at walang accomplishment PERO si Mam Vilma, kahit isang artista naipakita nya na kayang niyang magsilbi sa tao sa labas ng puting tabing. Ikaw, Palengkera, magtinda ka na lang dahil wala kang karapatan magsulat ng kabalastugan mo dito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  luvyoupanda

    03/21/2012 | 12:18 AM
    undoubtedlt VILMA is real achiever..be in politics and film...yung iba BITTER nalang...kung di sya OK why Batangas binoto sya? obviously..she's doing well..i must know..taga Batangas kami..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  milomilo123

    03/21/2012 | 12:02 AM
    tama yong isang comment sa baba pampaganda lang ng imahen ang babaeng bolkan sa mga notorious na mga recto...i am not referring to don claro m. recto....lahat ng MGA RECTOS AFTER CLARO M. RECTO ay hindi C L A R O .
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    03/20/2012 | 10:01 PM
    mabuti pa palengkera bumalik ka na lang sa pagtitinda ng tubig sa tren, para mabawas bawasan ang lansa sa pagkatao mo. ikaw lang ang di natutuwa sa parangal ni ate Vi both politics and showbiz. Mabuhay ang STAR FOR ALL SEASONS!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About