Vilma Santos on people telling her to concentrate being a politician and forget acting: "Kung sa the other side ko of my being Vilma Santos ipatanggal n'yo, e, hindi mo na matatanggal yun. Siyam na taon pa lang ako, kasama ko na 'yan. Kayo nga kako, dumadalaw sa Kapitolyo, kayo pa mismo nagpa-picture sa akin, e."

Photo: Noel Orsal

"Paano mo mapangalagaan ang dalaw sa mga empleyado sa Kapitolyo at sa mga district hospitals?

"More than two thousand employees na bawat isa, may kanya-kanyang pag-iisip.

"Twelve district hospitals all over Batangas na under lahat yun ng provincial government," pag-isa-isa ni Governor Vi sa kanyang nasasakupang responsibilidad.

Pagmamalaki pa niya, "Ang ganda na mga hospitals namin. Yun ang una ko talagang binigyan ng malaking budget—rehabilitation, equipment, expansion.

"Para sa mga papasok, e, hindi ka matatakot na parang palagay mo mamamatay ka na.

"Ang gusto ko pang linisin ng konti, hindi lang yung construction ng building, pagbili ng mga magagandang equipments, e—yung how to treat the people na lalapit sa hospitals ng Batangas.

"Kumbaga, yung papaano ka manilbihan. Ayoko yung may magrereklamo na hindi inaasikaso sila. Diyan ako galit.

"Kumbaga, serbisyo dapat ang pinakaimportante. Hindi man natin maibigay ang lahat ng pangangailangan nila, tratuhin mo lang sila nang maganda, daig na rin yung ginamot mo sila nang husto.

"Mahirap na kasi na hindi mo na nga naibigay ang lahat ng mga pangangailangan, hindi mo sila tatratuhing mabuti, e, sadya naman talagang magagalit sa iyo ang mga yun.

"Kaya yun lang ang pinapakiusap sa mga empleyado ng mga hospitals at maging sa Kapitolyo, wala tayong choice but to serve our constituents.

"And it is our duty to take care of them—may gamot man tayo na maibibigay sa mga pangangailangan nila o wala.

"But treat them well, daig pa yung ginamot  mo ang mga 'yan."

PRESIDENT VILMA SANTOS-RECTO? Birong tanong namin sa gobernadora, in the years to come kaya ay nasa Malacañang na ang isang Vilma Santos-Recto?

"Dyuskopo! Hindi ko po pangarap 'yan," mabilis na sagot niya sa amin.

"Basta sa ngayon, this is my life now.