Isang masayang Erik Santos ang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, March 18, sa Studio 8 ng ABS-CBN para sa rehearsal ng Star Magic Tour sa Honolulu, Hawaii, na gaganapin sa March 30.
Kinumusta namin sa singer ang tungkol sa pakikitungo nila ngayon ng dating manager na si Boy Abunda.
Matatandaang nagkaroon ng tampuhan ang dalawa nang kumalas si Erik sa pinamamahalaang talent management ni Boy noon, ang Backroom.
Pero ayon kay Erik, nagkita sila ng TV host kamakailan lamang.
"Nung isang araw lang nagkita kami sa lobby ng ABS, after ng Bandila.
"Okay, sobrang warm ni Tito Boy sa akin, parang walang nangyari. Na-miss ko talaga siya.
"Once in a while nagkaka-textan, nagkakumustahan.
"Di na kami nakakalabas kasi busy kasi si Tito Boy and, ako naman, medyo marami din namang mga rakets din."
CHRISTIAN AND JED. Ano naman ang reaksiyon ni Erik na pinagpipilitan silang paglaban-labanin ng mga kasabayan niyang sina Christian Bautista at Jed Madela?
Ayon kay Erik, natutuwa siya sa mga kaibigan at kasamahan sa ASAP dahil nakikita niya na hindi naaapektuhan ang mga ito sa mga intriga sa kanila.
"Well sa akin lang, sa business na ito, lagi namang pinagsasabong— kami-kami.
"Since the three of us, kami yung balladeers, so may mga issues talaga na ganyan.
"Ang maganda kasi kila Jed and Christian, hindi sila nagpapaapekto sa intriga.
"I'm happy na hanggang ngayon, kung ano sila dati, ganun pa rin naman yung friendship."
UPCOMING PROJECTS. Tinanong din ng PEP si Erik kung anu-ano ba ang mga pinagkakabalahan niya sa ngayon.
"I'm okay, busy promoting my album, yung OPM album ko, Awit Para Sa Iyo.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
33 endot
32 bratinella1234
31 bratinella1234
30 jams_mom
29 MissHugoBacungan
28 27walangmagawa
27 raian13
26 davaowenia_ia
25 jams_mom
24 jams_mom
23 kiko101
22 dikit007
21 endot
20 endot
19 caycali2012
18 Speed_OfLight
17 dmdaisy
16 bratinella1234
15 MissHugoBacungan
14 davaowenia_ia
more comments