Vilma Santos on her singing voice: "Kumbaga, puro hininga raw na para ngang pinupunit na yero. Yun ang tira nila sa akin noon. Pero sabi ko noon sa kanila na, 'Maaari nga akong may pinakapangit na boses, pero ang boses ko, e, bayad. Ang dami ngang magagandang boses, e, hindi naman  sila bayad."

Photo: Noel Orsal

"Kumbaga, nai-celebrate ko na yung 50th anniversary ko sa showbiz at naipalabas pa yung dalawang movie ko.

"Kasi by January, kampanyahan na halos lahat 'yan. Kumbaga, yung visibility mo sa tao, tuluy-tuloy.

"Pero sabi ko kay Malou, kung kakayanin ko.

"Kaya kamukha nito, dito ako sa awarding, then tomorrow I'll  be at San Luis. May blessing ng isang pinagawa kong project.

"Kasi sa totoo lang, I'm one governor na hindi nag-i-stay masyado sa office.

"Ayoko ng ganun. I go around the province. Mas gusto kong ako mismo ang nakakakita ng problema.

"Pero 'pag eleksiyon, tinitira pa rin akong wala naman daw akong nagawa.

"'Pero bakit ako nanalo? Ano ang sinabi ko?' tinatanong ko ang mga tao.

"Kasi everytime na nasa area ako, lagi nilang sinasabi na absent ako kasi wala ako sa Kapitolyo.

"Pero ang mga tao mismo ang nakakapagpatunay na nasa kanila at nag-iikot ako. They see me there.

"'Pag inaabot ako dun at may problema na kailangan kong ayusin ang mga papeles, dun ako nag-oopisina sa office ng mayor," kung nasaan man daw siyang bayan ng Batangas abutan.

"Ang iba naman kasi, 'pag hindi ka nila nakikita sa Kapitolyo, sabihin na agad nila na absent ka.

"Pero kaya naman talaga ako nanalo dahil hindi naniniwala ang mga tao sa mga paninira nila sa akin."

RYAN CHRISTIAN. Nadako naman ang pakikipag-usap ng PEP kay Governor Vi tungkol sa kanyang bunsong anak na si Ryan Christian.

Aniya, "Well, 16 years old na ang anak ko sa darating na March 29.