INDIE MOVIE FOR ATE VI? Kumusta naman ang napapabalitang paggawa rin daw ni Ate Vi ng isang indie film?
"Tumawag na naman sa akin si Adolf Alix [indie director] at ang sabi niya sa akin, 'Ate Vi, may dadalhin na naman akong script sa 'yo.'
"Si Adolf yung gumawa ng Isda na dapat sa akin. 'Tapos yung La Independencia.
"Last Friday lang, tumawag na may dadalhin daw siya sa akin na script. 'Tapos sabi ko, ipadala na lang niya.
"In fairness, talagang gustung-gusto ni Adolf na makagawa na kami ng indie movie.
"Kahit saan hinahagilap niya talaga ako. Ang sabi niya, e, basta mapabasa lang niya sa akin ang script na gusto niya na gawin ko.
"Ilang beses na yung pinuntahan niya ako sa Kapitolyo, pero nagkataon na nasa ibang bayan ako nag-iikot.
"So, talagang gumawa siya ng paraan para makapag-usap kami.
"Alam mo kung saan niya ako inabot noon? E, doon sa shooting ko dati ng Bear Brand sa Luneta. Doon kami nakapag-usap. Doon ko lang siya na-meet.
"Ang tiyaga talaga niya sa akin. Sana nga this time, matutuloy na kami."
FOREVER YOUNG. Isang sikreto raw ni Ate Vi kung bakit parang wala siyang kapaguran at malayong mukhang bata sa kanyang edad ay dahil sa ehersisyo.
"Almost every day. Pagkagaling sa Batangas at hindi gaanong pagod at kaya ko pang ma-exercise, kahit at least 20 minutes, e, okay lang.
"Basta kailangan lang you sweat and then stretching.
"Sa totoo lang, yung pag-iikot ko sa Batangas, nakikita n'yo naman kung saan ako nagpupunta... kung hindi lang siguro banat ang buto ko, e, mahihirapan ako to cope.
"Pero dahil medyo banat ang katawan ko dahil mula pa sa pagkabata trabaho na... yung sa Vilma! ko dati tuluy-tuloy kaya hindi ako basta-basta makadama ng pagod agad.
"Kumbaga, sa Vilma! show... sa rehearsals ng mga production [numbers] ko, after ko manganak kay Ryan, tuloy pa rin ang trabaho ko.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
41 JokoNazMan
40 thinkb4utype
39 MissHugoBacungan
38 hototguy
37 MissHugoBacungan
36 liwayway
35 glen
34 pearl102
33 rhiamags
32 lifehouse232
31 gummybears6
30 hototguy
29 ilyang
28 Queenofkings
27 diane84
26 bhellyposh
25 soyti75
24 hototguy
23 hototguy
22 hototguy
more comments