Vilma Santos on her singing voice: "Kumbaga, puro hininga raw na para ngang pinupunit na yero. Yun ang tira nila sa akin noon. Pero sabi ko noon sa kanila na, 'Maaari nga akong may pinakapangit na boses, pero ang boses ko, e, bayad. Ang dami ngang magagandang boses, e, hindi naman  sila bayad."

Photo: Noel Orsal

"Sasayaw siya sa ASAP, silang dalawa ni Lucky [Luis Manzano]

"Very excited talaga. Isulat niyo naman na sasayaw ang magkakapatid," masayang pakiusap pa ni Ate Vi tungkol sa production ng kanyang mga anak sa show ng ABS-CBN sa darating na Linggo, March 25.

"'Wag na ako, okay na sa akin yung magkapatid," ang maisulat ang nais niyang tukuyin.

"Sabi ko nga kay Christian kung ano ang isasayaw nila, yun bang 'Dougie Dougie.'

"Sabi niya sa akin, 'Mom, that's old na. Everybody is doing that already.' Kaya hindi nakakibo ang nanay!

"Kaya sabi ko na lang, 'Really? So ano ang sasayawin n'yo?' Sagot niya sa akin, 'They know better.'"

Wala ba talagang balak na pasukin na rin nang tuluy-tuloy ng kanyang bunso ang show business?

"Well, ano muna.. patapusin muna natin ang pag-aaral niya.

"May time kagaya nito na bakasyon, e, okay lang. Pero 'pag pasukan na, priority niya munang makatapos ng pag aaral.

"Sa kuya niya, okay lang kasi tapos na naman talaga ng pag-aaral niya si Luis.

"Pero si Ryan, school muna talaga. Pero hindi rin naman namin siya hinihigpitan.

"'Pag may mga ganyan at bakasyon din naman, e, walang problema sa amin.

"Pero 'pag may pasok na, dapat dun talaga ang concentration niya.

"Ngayon nga nag-e-exam pa ang mga classmates niya. Siya hindi, kasi exempted.

"O, di ba, proud nanay?" masayang kuwento pa ng Star for All Seasons.