Vilma Santos on her singing voice: "Kumbaga, puro hininga raw na para ngang pinupunit na yero. Yun ang tira nila sa akin noon. Pero sabi ko noon sa kanila na, 'Maaari nga akong may pinakapangit na boses, pero ang boses ko, e, bayad. Ang dami ngang magagandang boses, e, hindi naman  sila bayad."

Photo: Noel Orsal

ALL FOR RYAN! Basta para kay Ryan, may oras pa rin naman daw sina Governor Vi at Senator Ralph.

Lahat halos daw ng mga affairs sa eskuwelahan kung saan kailangan ang presence nilang mag-asawang ay nandun daw sila ng senador.

"Importante talaga yun para sa anak ko. Dahil kung hindi mo gagawin, e, hindi naman ang school ang magtatampo sa iyo kundi mismong ang anak namin.

"Kaya yung mga family day, mga PTA meetings, school anniversaries, 'andun kami ni Ralph.

ANNE CURTIS. May mga nagkukumpara kay Ate Vi sa lakas ng loob daw ni Anne Curtis sa pagsayaw, lalo na sa pagkanta nito.

"Well, pareho naman kami. Kita naman ng ginagawa ko noon sa Vilma!" natatawang sabi ng actress-politician patungkol sa kanyang dating musical-variety show.

"Sa totoo lang, yung lakas ng loob ni Anne, e, yun din ang lakas ng loob ko noon.

"Kumakanta rin naman ako noon sa Vilma!.

"Anong masasabi nila sa akin do'n? Hindi ko talaga sila aatrasan!

"At saka 'wag nilang apihin na kahit ganito ang boses namin, e, bayad kami! Kaya 'wag nila akong apihin.

"Parang si Anne din ngayon, di ba?

"Kaya ako nakasuporta sa kanya, kasi ganun din naman ako noon."

Dagdag pa ni Ate Vi, "Sabi nga nila sa akin noon, e, yung boses ko raw, parang pinupupunit na yero.

"Kumbaga, puro hininga raw na para ngang pinupunit na yero—yun ang tira nila sa akin noon.

"Pero sabi ko noon sa kanila na, 'Maaari nga akong may pinakapangit na boses, pero ang boses ko, e, bayad.'