[x]

Until now, Angel Locsin cannot define the real score between her and Azkals member Phil Younghusband. But she is seems to be sure when she said, "We're in love siyempre. We're happy po talaga."

Photo: Nerisa Almo

Isa nang "dance instructor" ngayon ang award-winning actress na si Angel Locsin.

Ito ang natatawa niyang sinabi sa entertainment press na dumalo sa launch ng beauty product na ineendorso niya, ang Mosbeau, kaninang hapon, Marso 21.

Nabanggit kasi kay Angel ang ginawang pagsasayaw ng rumored boyfriend niyang si Phil Younghusband matapos nitong maka-goal sa laro ng Philippine Football Team, ang Azkals, laban sa India sa 2012 AFC Challenge Cup noong nakaraang linggo.

Inamin ni Angel na siya mismo ang nagturo kay Phil ng dance step na ipinakita nito sa laro.

Kuwento ng Kapamilya actress, "Sabi ko kasi, 'Ano ba 'yan kayong mga lalaki, kapag naka-goal kayo, body-bumping, apir-apir.

"Tigilan n'yo na nga 'yan. Paulit-ulit na lang. Sumayaw ka!'

"E, nagdyo-joke lang naman ako.

"[Sabi ko], 'Sumayaw ka.'

"'Paanong sayaw?'

"'Dapat parang 'Rock the Boat.' Ganun-ganun dapat 'yon [sabay sayaw].'

"E, hindi niya nagawa. May sariling version naman siya."

Sa panayam ng ABS-CBN reporter na si Dyan Castillejo, sinabi ni Phil na dedicated daw ang sayaw na iyon para sa kanyang "special someone" na si Angel at sa nakababatang kapatid niyang si Kerry.

Ngunit nang tanungin si Angel tungkol dito, sabi niya, "Hindi ko alam kung para ano. Sabi ko kasi, 'Uy, kapag naka-goal ka, mag-dance ka, ha.'

"Actually, hindi ko nga alam na gagawin niya talaga. E, ginawa niya.