Kamakailan ay sama-samang nagpa-interview sina Bea Alonzo, Angel Locsin, at Angelica Panganiban para sa isang proyekto na pagsasamahan nila kasama rin si Toni Gonzaga.
Wala pa mang detalye ang naturang pelikula, pero balitang tuwang-tuwa ang mga tagahanga ng apat na Kapamilya actresses.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bea sa rehearsal ng Star Magic Tour noong Linggo, March 18, sa Studio 8 ng ABS-CBN.
Sinabi niya wala pa siyang alam na detalye sa sinasabing pagsasamahan nilang pelikula.
Ayon kay Bea, kinakailangan muna niyang mabasa ang script bago siya bumuo ng desisyon.
"Diumano, mayroon nga. Nagulat din ako.
"Nandun kami sa Star Cinema then nagpatawag na sila ng crew para talagang i-formalize na mayroon talaga kaming pelikula.
"Although I heard about it nung nasa shooting kami the night before, parang I can't believe it can really happen.
"Kasi siyempre sa schedule palang, parang imposible talaga. Tuloy daw.
"Wala pang script, wala pa yatang director... hindi ko pa alam.
"Excited, but I have to see first the script. Ayoko naman na baka malay mo hindi ko naman pala kayang gawin, di ba?" saad ni Bea.
BIG STARS, BIG PROBLEM? Ngayon pa lang ay may nag-aalala na ang ilan na hindi kaya magkaproblema pagdating sa kung sino ang dapat may pinakamalaking role at mauna sa billing 'pag natapos na ang pelikula? Apat kasing malalaking stars ang magsasama-sama kung saka-sakali.
Ayon naman kay Bea, "Feeling ko naman, lahat kami mahal ng Star Cinema para gawin sa amin... parang nag-serve na kami ng ilang taon sa Star Cinema.
"Technically, halos sila ang nagpalaki sa aming apat. Halos lahat ng hit movies namin, sila ang gumawa.
"So, feeling ko, they will not let anyone suffer doing this movie.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
70 MissHugoBacungan
69 noda1011
68 topengga
67 cy2
66 bratinella1234
65 kalika
64 eiram48
63 eiram48
62 cy2
61 MissHugoBacungan
60 AstroNut
59 eiram48
58 MissHugoBacungan
57 BERNARD2010
56 pearl102
55 pearl102
54 MissHugoBacungan
53 topengga
52 MissHugoBacungan
51 eiram48
more comments