[x]

"Masaya ako kasi noon pa lang talaga, hindi ko ine-expect na magkakabahay ako. Iniisip ko na baka sa age na 25 pa ako magkakaroon ng bahay," saad ni Julia Montes na ngayon ay nakapagpundar na ng bahay sa edad na 17.

Photo: Noel Orsal

Malaki na ang nagbago sa buhay ni Julia Montes mula nang pumasok siya  sa showbiz bilang cast member ng kiddie gag show na Goin' Bulilit noong 2004.

Nitong Martes, Marso 20, ay pinasinayaan ang kauna-unahang property investment ni Julia—isang bahay sa isang private subdivision sa Antipolo.

Ayon sa young actress, malaking tulong para sa kanyang pamilya ang naging break niya sa teleseryeng Mara Clara noong 2010, kung saan nag-umpisa siyang makilala.

"Nagbago ngayon [ang buhay ko] kasi parang ngayon, hindi na 'ko namomroblema [sa pera]," pag-amin ng dalaga nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa bago niyang tahanan kung saan sabay na naganap ang house warming at 17th birthday party niya.

Patuloy niya, "Kasi before, talagang namomroblema ako sa pag-aaral ng mga kapatid ko.

"Umabot ako sa point na parang [sinsabi ko], "Ma, hindi ko kayang tumigil ako kasi kawawa 'yong mga kapatid ko.'

"Ayun, masaya ako na secured na rin sila ngayon."

Si Julia ang tumatayong breadwinner ng kanyang pamilya.

THANKFUL TO HER SUPPORTERS. Malaki ang utang na loob ni Julia sa kanyang mga fans na naging malaking bahagi ng kanyang pagsikat.

Kaya naman heto ang ibinigay niyang mensahe para sa mga taong naniwala at sumuporta sa kanyang talento:

"Sa lahat, maraming-maraming salamat kasi kung wala talaga kayo, wala rin ako dito.

"Hindi ko alam kung paano ko ie-express iyong pagmamahal ko sa inyo, pero thankful ako sa inyo.

"Kung ano iyong nakikita ninyo sa akin na achievements ko, para din sa inyo ito hindi lang para sa family ko."

Maliban sa kanyang fans, nagpapasalamat din si Julia na nagkaroon siya ng mabubuting kaibigan sa showbiz; gaya nina Kathryn Bernardo, Sam Concepcion, Enrique Gil, Melissa Ricks, Janus del Prado, at Ms. Susan Roces na pawang naglaan ng panahaon upang makadalo sa kanyang party.

Sabi ni Julia, "Ayun, kaya rin ako naiyak kanina kasi alam ko galing pa sila [Kathryn at Enrique] sa airport, 'tapos dumiretso na sila dito para lang maka-attend."