"Hindi naman kailangang may relationship para maging masaya," says Mikael Daez when asked if rumored girlfriend Megan Young is one of the reasons why he's happy at the moment.

Photo: Noel Orsal

Masaya raw si Mikael Daez sa karakter niya bilang si Nelson sa My Beloved ng GMA-7. 

Ka-love triangle siya nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa naturang teleserye. 

Kumpara sa una niyang serye na Amaya, ibang-iba raw para sa kanya ang ginagampanang papel ngayon.

"Dito kasi sa My Beloved, heavy drama siya.

"At ako mismo, bilang ka-triangle talaga... at walang espada-espada na nagaganap, talagang emosyon.

"Natututo talaga ako at nararamdaman ko ang development ko bilang artista.

"Happy naman ako. At alam ko na mas marami pa akong magagawa."

Dugtong pa ni Mikael, "Very inspiring si Dingdong, si Marian.

'Tingnan mo, ang bilis ng pag-akyat niya [Dingdong].

"Si Dingdong, finally after being in showbiz all his life, he gets his acting award, di ba? 

"So, parang ako, gusto ko ganoon, pagaling lang nang pagaling.

"Hindi mo naman puwedeng sabihin na magaling ka na agad, kasi hindi naman talaga ganoon. 

"So, binabasa ko mga comments. May maganda, siyempre may masakit din.

"Nakakasakit din ang masama, pero kailangan mong mabasa, e."