news

Robin Padilla appeals to fans who bash Sharon Cuneta on Twitter: "Marami na rin naman siyang naitanim sa ating mga puso, respetuhin na lang natin siya."

by Rommel R. Llanes posted on March 22, 2012  STATS: 2966 Views | 100 Comments

Robin Padilla says he might lose his own temper if he has his own Twitter account and sees what the bashers are tweeting against Sharon Cuneta. He says. “Kaya nga ayoko ring mag-Twitter, kasi ayoko ring makita [yung mga pang-aasar], kasi baka mawala ako sa hulog. Mahirap na.”

Photo By: Noel B. Orsal (Robin), Sany Chua (Sharon)

Nung una’y ayaw sanang magkomento ni Robin Padilla tungkol sa pagpatol ni Sharon Cuneta sa mga fans na gumagamit ng Twitter para i-bash o asarin ang Megastar.

Pero kalaunan ay nagbigay na rin ng kanyang pakiusap ang action star sa bashers ni Mega.

“Mabait na tao si Ma’am [Sharon]. Kung sinuman yung mga umaaway sa kanya, e, respetuhin na lang natin si Ma’am,” sabi ni Robin.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sa launching niya bilang bagong Moneygram International ambassador, kahapon, Marso 21, sa Crowne Plaza Hotel, Pasig City.

“Unang-una, si Ma’am ay hindi na rin naman bago sa ating lahat.

“Asawa ng senador, marami na rin naman siyang naitanim sa ating mga puso, respetuhin na lang natin siya,” pag-ulit ng pakiusap ni Binoe.

Dagdag pa niya. “Sa ngayon, dapat ay nagsusumbong tayo sa kanya kung ano sa palagay natin ang puwede niyang gawin bilang si Sharon Cuneta, at bilang asawa ng senador.

"Sa kanya tayo magsumbong.

“Gamitin natin yung Twitter kung ano ang puwede niyang gawin.

“Sayang ang oras. Sayang ang social networking kung puro away lang."

NO TWITTER FOR ROBIN. Isa nga raw ang mga nangungutya at nang-aasar na Twitter users sa mga dahilan kung bakit hindi siya gumagawa ng Twitter account.

“Nakakatakot mag-Twitter. Ang daming KJ [killjoy], e!” natatawang sabi ni Robin.

“Stress yun, e. Stress yun.

“Sa edad nating ito, ayoko nang ma-stress,” dagdag pa ni Robin.

Kung kay Sharon na palaban daw talaga ay bagay ang Twitter, sa kanya raw ay hindi.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

100 Comments

  • 20  javakula

    03/23/2012 | 12:33 AM
    I don't know what happened to Sharon but lately nagiging palaaway siya. She is like a spoiled brat who hates everyone and everything around her if she doesnt get her way. Sorry but hindi ko siya gustong pagpasensiyahan or intindihin dahil feeling niya the world must revolve around her. Napapakamot na lang ako ng ulo eh.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  angelnyt

    03/23/2012 | 12:31 AM
    Bakit ba pinagtatangol yang si NEGASTAR sa mga pinagsasabi nya sa twitter? Nabasa nyo ba mga tweet nya? It's so unbecoming of a wife to a senator, and a valued entertainer at that for her to be dropping tweets like that... kulang na lang magmura sya sa mga tweet nya! If anything dapat kayong mga artista pinagsasabihan yang NEGASTAR nyo na tumigil sa kakapatol sa mga bashers nya. She claims to be educated, mayaman, and mas maraming na prove sa buhay nya...in this case, she should be the better person then. And becoming the better person means keeping quiet or attacking her bashers in the most classy way. She's made several excuses na kesyo tao lang daw sya na nasasaktan etc etc... Yes, its true she's only human pero becoming human also means she has the self control to manage her emotions. And please spare me her used of bible verses on her tweeter. It's so contradicting sa mga sinasabi nya. If you wanna see all her negative tweets follow her on tweeter and you'll see what kind of a person this woman is.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  gopinoy

    03/23/2012 | 12:06 AM
    at o di ba nga wala na syang ginawa sa twitter kundi purihin ang anak nyang dalaga at maging self righteous at pati sariling kamag anak na nagpalaki sa kanya ay tinatabla. what good does it make a woman who doesn't value family just because they didn't support her own liking? OMG sharon, you're not here to just be patronized. kung ang santo papa napupulaan ikaw pa kayang tao? remember u bashed hayden before din? di ka nga siguradong ikaw ang pinatatamaan sa billboard chuva noon pero may i react ka agad at nilait mo na hayden kho?what goes around comes around shawie.kung ano itinanim...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  gopinoy

    03/23/2012 | 12:00 AM
    i can't really comprehend why sharon has to stoop so low to these bashers..and to be certain na followers yung mga yun ng isang artista eh parang praning naman sya..di b nya alam na ang mga haters at bashers ay ruma-ride on lng sa issues? kawawa naman si papa p at sya ang nagiging fall guy dito.. she has gone way low imbes na gamitin ang twitter to make a better nation naturingang asawa sya ng senador anubayan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  kansilay

    03/22/2012 | 11:40 PM
    naks! Echosero ka tlaga doy! Lolz...tama sa edad nyong ganyan iwas stress na, dapat yan ang ibigay mo na advise ky Maam! Lolz Mega kc mapagpatol kaya prang ginagawa syang katuwaan ng mga Bashers kc ayaw nya tlaga mag pautang lahat pinapatulan! Style yan ng mga Bashers pinoprovoke ka pra masira araw mo,Hwag kc masyado pikon kahit sino pa ang mag appeal walang mangyayari if patol cia ng patol! Npaka sensitive nya pa nman!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  aaronick

    03/22/2012 | 11:40 PM
    Kung pababayaan na lang yung mga bashers, magsasawa at magsasawa yang mga yan. At mamamatay ang pang-iinsulto. Pero kung papatulan, then mas lalo mong pinapalaki yung gagawin nila. Kasi yan ang gasolina ng mga bashers eh. Patulan mo sila, lalo ka nilang aasarin. Pero kung iparamdam mo sa kanila na hindi ka apektado kahit sa loob-loob mo ay sobra na ang galit mo sa mga nangyayari, iisipin ng mga bashers na yan na wa epek ang mga ka-abnormalan nila. At lilipat na lang sila sa ibang papatol sa pang-aasar nila. So as a celebrity, you should know this.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  aaronick

    03/22/2012 | 11:36 PM
    Simple lang yan... KAPAG MAY USOK, MAY APOY. I can't really side sa ganitong pagkakataon. Kasi ang mga bashers/haters, they are here to stay. Hindi po sa tino-tolerate ko ang ganitong gawi. In fact, I am totally against this. Pero anuman ang gawin natin, hindi na sila mawawala. Now it's up to the person being the subject of this bashing kung paano niya iha-handle ang situation. At alam ko, makarinig ka lang ng hindi magandang bagay about you, masakit yun saka kainsu-insulto. I understand that at hindi ko ite-take against sa iyo yun kung mag-react ka. Pero again, the best way to fight this type of action is to INGORE IT...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  yamnt2007

    03/22/2012 | 11:19 PM
    ang sweet naman ni robin!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  alexis2222

    03/22/2012 | 11:06 PM
    hellooo... kahit mga international celebs may bashers at haters.. ang ga local celebs meron din... ang pinagkaiba lang, unlike sharon they take the high road... they know better... itong si sharon lang kasi ang mapagpatol... lahat ng hirit sa kanya sinasagot nya ng pabalang... eh di lalong natutuwa ang mga bashers... walang mawawala sa mga bashers na yan, pero si sharon grabe, ang hirap paniwalaan na sya yung nakikipag sagutan sa mga haters... para rin syang basher kung sumagot... hahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  washdckami

    03/22/2012 | 10:59 PM
    para kasing hindi edukada c sharon bakit niya papatulan ang mga taong yon,hindi lang namn sya ang napagsasabihan ng di maganda eh.gusto ba nya puro positive ang marinig nya come on sharon ganyan talaga, kung mga presidente nakakarinig ng di maganda cno ka para isapwera.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  wanna_change

    03/22/2012 | 10:42 PM
    mga pinoy ang sumisira sa technology na na-imbento ng ibang lahi... nakakahiya..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • malaya2007

    03/22/2012 | 10:19 PM
    naku robin wag ka ng sumali dyan. Nabasa mo ba ang tweet ni sharon grabe parang sya lang pinagpala ng god puro god. Alam naman nya pag may pagkarigteous ang ngatutweet lalong nanggigigil ang mga yan, bakit yung basher ni zha zha after nyang sumagot ayun nagsitigil na, nasa pagsagot din kasi yan eh. Sa halip na maraming kumampi sa kanya na aloof tuloy ang iba.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pinay_rn

    03/22/2012 | 10:02 PM
    sana lang, hindi na pumatol si tita shawie..kumbaga in d spirit of peace dedma! hindi lahat pinapatulan, choose ur own battle.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • baybrook

    03/22/2012 | 09:54 PM
    naku,mas masahol pa nga minsan d2 sa pep ang mga comments lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • flonee

    03/22/2012 | 09:37 PM
    the way sharon respond to her bashers reflects her true personality. According to sharon tweet sana daw di kasama sa 10 commandments ang "thou not shall kill". Dahil lang nilait sya naisip nya ng pumatay ng tao??? Nakakagulat talaga si sharon. Parang wala sa sarili.Sabay kakabig ng mga verses sa bible. So pathetic.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pearl102

    03/22/2012 | 09:32 PM
    Ang mga talents ng DOS at dating talents ang hihilig makipag away sa TWITTER. Hmmm sino sino pa ba ang mga magba bash sa kanila kung hindi ang mga pantards ng iba't ibang talents ng DOS?? Kung si TONI GONAZAGA nga tinatawag nilang TME GIVER...nakuh kung laitin nila bwahahahaha. Yung mga pantards ni Sarah at Kim hayun nagba-bantaan na. Gusto nyong makakita ng sampol...hayun yung number 1 post...HAHAHAHA
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • BERNARD2010

    03/22/2012 | 08:56 PM
    Bumababa ang dignidad ni Sharon sa pakikipag-away sa Twitter.Sana din huwag nating gamitin ang Twitter bilang way para insultuhin ang kapwa natin ke artista pa sya o ordinaryong tao.Tao lang tayo.Meron tayong karapatan para magbigay opinyon at sana huwag nating samantalahin ito para manakit ng kapwa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • mharkrollen

    03/22/2012 | 08:54 PM
    gaya ng comment mong non-sense
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ferrisgump

    03/22/2012 | 08:50 PM
    Tell her Robin to be worthy of respect too.She should learn to have a virtue of silence.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Pedrohh

    03/22/2012 | 07:59 PM
    laos sharon ang cheap nag ingay na naman nawala ang respecto ko sa kanya pumapatol xa nonsense na issue LAOS na talaga ito nag ingay para para mapansin mapag usapan hay nku.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About