Billy Crawford on rumor that he and Nikki Gil are secretly married: “Nakikita n'yo ba na may singsing ako? Waley! But Nikki is definitely the girl that I want to be with for the rest of my life... plain and simple."

Photo: Rose Garcia

Hindi naman nakapagtataka kung nag-enjoy nang husto si Billy Crawford at ang iba pang cast ng pelikulang Moron 5 and The Crying Lady ng Viva Films.

Kasama ni Billy sa pelikula sina Luis Manzano, Marvin Agustin, Martin Escudero, DJ Durano, at John "Sweet" Lapus.

Masasabing bagong grupo ito para kay Billy dahil sa cast members ay si Luis lang ang madalas niyang nakakasama bilang miyembro ng Kanto Boys at hosts ng ASAP at Pilipinas Got Talent. Ang iba ay halos ngayon lang niya nakatrabaho.

Ganunpaman, ayon kay Billy, “Sobrang happy ako. I couldn’t ask for more. 

“As usual, kulitan kami nang kulitan.

"Kahit si Luis, dito ko rin nakita ang pagiging totoo niya sa akin at pagiging kaibigan.

“Masaya lang talaga sa set.”

PROJECTS FOR KANTO BOYS. Pero bakit nga ba hindi pa matuluy-tuloy ang sinasabing pelikula ng Kanto Boys—na kinabibilangan nina Billy, Luis, Vhong Navarro, at John Lloyd Cruz?

Sagot ni Billy, “Hindi ko alam, e. Just like anything na napag-uusapang mga projects, minsan natutuloy, minsan hindi. 

“So there’s many things... many, many reasons kung bakit hindi natutuloy.

“At ang maganda niyan, ‘eto ang outcome, may natuloy na project para sa akin.”

Pero siyempre, magiging masaya rin siya kung tulad ng Moron 5 and The Crying Lady ay magkakaroon din sila ng pelikula ng Kanto Boys.

Aniya, “Minsan napag-uusapan namin, 'Tayo na lang kaya ang mag-produce ng movie?'

“But, of course, everybody has his own agenda. We’re all individual performers.”

NIKKI-BILLY BREAK UP? Bago ang press conference ng Moron 5 and The Crying Lady, kagabi, March 22, kumalat ang balitang diumano’y break na sila ng girlfriend niyang si Nikki Gil.