news

Direk Wenn Deramas on Star Cinema's decision to back out from co-producing his movie with Viva Films: "Totoong sumama ang loob ko."

by Rey Pumaloy posted on March 23, 2012  STATS: 7235 Views | 55 Comments

"Kasi ang feeling ko, bakit ngayon lang ang desisyon na 'yan? Samantalang on their end, pinagtrabaho naman nila ako, di ba? Like sinabi ko nga, the additional shoots and meetings with them, ganyan-ganyan..." says Direk Wenn Deramas when asked what he feels about Star Cinema's decision not to co-produce his movie with Viva Films anymore.

Photo By: Allan Sancon

Tila hindi raw yata tinatantanan ng problema at isyu si Direk Wenn Deramas sa Star Cinema.

Malabo na raw kasing i-co-produce ng Star Cinema ang pelikula niyang lalabas ngayong April. Ito ay ang Moron 5 and The Crying Lady na pinagbibidahan nina Luis Manzano, Marvin Agustin, Billy Crawford, Martin Escudero, DJ Durano, at John "Sweet" Lapus.

Dapat sana'y muling magsasanib-puwersa sa isang co-production venture ang Star Cinema at Viva Films para sa pelikulang ito, pero kumalas ang film arm ng ABS-CBN. Kaya ang Viva ngayon ang solong bumabalikat sa produksiyon ng pelikula.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa presscon ng Moron 5 and The Crying Lady kagabi, March 22, na ginanap sa Royal Dining Seafood Restaurant, Tomas Morato, Quezon City, ipinaliwanag ng Viva Films executive na si Vincent del Rosario na hindi naging matagumpay ang pag-uusap nila ng Star Cinema.

Si Vincent ay anak ng Viva big boss na si Vic del Rosario.

Ayon kay Vincent, "I think ano, e, yung exercise na parang nag-evaluate ng isa't isa yung project na naganap, pero hindi nagkaroon ng resolution. 

"Like in any other business, minsan parang one-side deals na, 'Dapat ganito ang gawin.' The other side deals, 'Dapat ganito gawin.'

"Na hindi lang nagkasundo sa iba't ibang viewpoints. 

"Pero patuloy naman... we're co-producing with Star [Star Cinema]," na ang tinutukoy ni Vincent ay ang pelikula na pagsasamahan uli nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo.

Dagdag pa niya, "Nakakapanghinayang kasi masaya sana if we work together again.

"Pero itong instance na ito, hindi nagkita sa gitna."

Noong nakaraang taon, dalawa sa co-production deals ng Star Cinema at Viva Films ang naging pinakamalaking hits sa takilya—ang No Other Woman at Praybeyt Benjamin.

DIREK WENN SPEAKS UP. Sa panayam naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Direk Wenn matapos ang presscon proper ng Moron 5 and The Crying Lady, nilinaw nitong sa Enteng Ng Ina Mo siya unang nagkaroon ng problema sa Star Cinema.

Matatandaang sumama ang loob ni Direk Wenn nang hindi siya kunin bilang direktor ng pelikulang pinagbidahan nina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas, samantalang konsepto niya ang istorya at mga karakter sa Ang Tanging Ina movie franchise.

1  2  3  4  5  6  7  8  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

55 Comments

  • 35  bratinella1234

    03/24/2012 | 10:24 AM
    16 pearl102 03/23/2012 | 10:37 PM RUSHES, referring to the speed at which the prints are developed---------Oh hayan, di ba sinabi ko na kanina na akala ko pinag iisipang mabuti yon naman pala sa set na lang niya ito pinag iisipan. LOL --- PEARLY dear, obviously hindi to ang ibig sabihin ni Direk Wenn when he said, RUSHES... nakakahiya ka, excited kasi mag comment ng NEGA! ayan tuloy, semplang!!! hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 34  bratinella1234

    03/24/2012 | 10:21 AM
    omaygulay PEARL102: wiz mo gets ibig sabihin ng RUSHES. hindi po rush na nagmamadali/minadali...kalurkeeeeyyyy! heavy react ka pa naman teh..sa film, RUSHES means - The first, unedited print of a movie scene. nakakalokaaahhh! --- HAHAHHAHHA tawagng tawa ko dito! hindi talaga... patawa talaga tong si pearl, try mo kasi muna mag research bago magcomment para di ka napapahiya... hahahahah... RUSHES!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 33  kayako

    03/24/2012 | 09:49 AM
    ay nagpalusot pa talaga si ate pearlyshell!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 32  yukie85

    03/24/2012 | 08:57 AM
    Te indie film po yung una movie ng SC sila nag released nun,kaya kumita po,.di yan katulad sa movie nila johnlyod at angel na full stream at malaki budget....di katulad sa MKG na sakto ginastos sa pelikula or lugi pa ata,.....Hindi nalang kasi ginawang abortionista babae ang title para klaro marami pa siguro manonood nun.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 31  cestification

    03/24/2012 | 08:35 AM
    mag aagree ako sa inyo na kayo ang number 1 station kung mula umaga hanggang gabi araw araw e kayo ang number 1 sa AGB ratings ha. kasi sa kantar kayo ang number 1 sa ratings dahil evilscbn ang nagfi finance nun. then ating ianalyze kasi sabi nyo laos na si marian dahil hindi na number 1 ang kanyang show ok. e pano kaya si ann curties si vice ganda di ba sikat sila kasi sabi nyo kumita ang movies nila. e ano na ang nangyari sa showtime super super baba ng ratings compare mo sa my beloved na nasa top 10 pa. kaya kayo wag kayo magsasabi na laos. dahil pag sinabi nyo na laos na si marian. mas laos ang ipinagtatanggol nyong artista. get me
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 30  cestification

    03/24/2012 | 08:29 AM
    sa mga fans ng evilcbn ok kumita movies nyo me flop din nman kaya wag kayong magmagaling ha. kc kung sinasabi nyo na kayo talaga ang numero uno at sikat in all aspects of showbusiness. movies commercials, tv e bakit nagbackout ang evil na network sa mga project ni wenn deramas di ba. kasi sila ang number 1 na sinasabi nyo. kaya wag na kayong mag mayabang ha. bago mag start ang year ano ang movies ng star cinema di ba flop.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 29  eazypinoy

    03/24/2012 | 05:50 AM
    speedoflight - Angels was produced by Angel Locsin DURING THE TIME NA NASA GMA PA SIYA FYI LANG..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 28  Ligayaparaiso2011

    03/24/2012 | 05:49 AM
    Ano ba ang strength ni DJ Durano at inile-level sya kina Luis Manzano at Billy Crawford? Si Direk Wenn De-Angas lang yata ang nakakaalam. Totoo yata ang isinulat noon ni Alfie Lorenzo na mayabang si Direk Wenn. Binansagan pa nga 'to ng "Windy" Deramas!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  ehryle

    03/24/2012 | 03:42 AM
    Isa lang ang ibig sabihin yan magaling sa promotion ang STAR CINEMA... not only locally but also internationally tru TFC... Ewan ko ba sa GMA Film may sarili din naman Network para magpromote ng movie FLOP pa rin d ba My Kontrabida Girl 6.7 M siguro ung popularidad ng artista ang problema at once in the blue moon lang sila magproduce kc ayaw na nilang maluge baka kc mabawasan pa ung kinita ni Gozon kahit na they claiming na number 1 kuno ang GMA.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  chismosang_totoo

    03/24/2012 | 02:30 AM
    Buti naman at aminado sya na kailangan ng movie nya ang star cinema. lately, start cinema lang ang nakakapag produce ng films na blockbuster, whether co-producer sila or solo. pag viva, regal films or gma films ang nag produce, laging flop... Nag-iingat talaga si wenn deramas sa mga sasabihin nya dahil alam nyang pag hindi sila nagkasundo, kailangan nyang lumipat ng channel and alam naman ng lahat na malalaos lang sya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  puckerlips143

    03/24/2012 | 02:20 AM
    Maganda nga ang nangyari so now nalaman ng viva kung san sila lulugar.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  Speed_OfLight

    03/24/2012 | 02:15 AM
    Angels
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  yukie85

    03/23/2012 | 11:59 PM
    Kung no.1 GMA kamusta naman si my kontrabida girl
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  hondacars

    03/23/2012 | 11:42 PM
    ang mga kapuso dito, pilit sisirain ng sisirain ang ABS-CBN maitaas lang ang bandera ng GMA-7, kahit ano, kaya nilang sabihin at gawin....kaya rin kaya nilang ibuwis ang kanilang ang buhay para sa kanilang pinakamamahal na GMA-7 network...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  hondacars

    03/23/2012 | 11:34 PM
    anyway, nasaan na nga ba ang pangako ni Gozon na ONE GMA MOVIE PER MONTH according to his much-publicized article last january? eh mage-april na, isa pa lang...flop pa...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  hondacars

    03/23/2012 | 11:30 PM
    as for star cinema, its their choice. baka wala pa silang pananalig na kaya ng magdala ni John Lapus ng pelikula. its really unfair na sila ang magbibigay ng big break kay John Lapus eh doon sa gma network na yun nagtatrabaho si john. EH BAKIT DI KAYA ANG GMA FILMS ANG LAPITAN NG VIVA EH TUTAL GMA TALENT SI JOHN LAPUS DIBA? hehehe...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  hondacars

    03/23/2012 | 11:25 PM
    certified_orig1 - parang sinabi mo na rin na mind-conditioning sa mga kapuso viewers na kunwari eh no. 1 ang gma-7 nationwide at puro high-ratings ang mga shows nito. eh bakit FLOP PALAGI ang mga movies ng gma-7 kung no.1 nga sila? MY KONTRABIDA GIRL? 6.7 MILL IN FIVE DAYS?? LANG?? THE ROAD?? 32 MILL IN ALMOST FOUR WEEKS? LANG?? nasaan na ang mga "fans" ng no.1 network nationwide na gma? pang-tv lang ba? o baka hindi nga totoo yung pagiging no.1 nila. PAKI-EXPLAIN. lol. AND IF YOU HAVE ANY COMPLAINTS KUNG BAKIT PALAGING BLOCKBUSTER ANG MOVIES NG STAR CINEMA, DOON KA MAGREKLAMO SA BOX OFFICE MOJO AT SM CINEMA, KASI SILA USUALLY ANG NAGRERELEASE NG ACCURATE BOX OFFICE GROSS. PERIOD. ANYWAY, HATER WILL ALWAYS HATE. AND YOU WILL REMAIN A HATER FOR THE REST OF YOUR KAPUSO LIFE. :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  kakosa

    03/23/2012 | 11:24 PM
    baka nirequest ng Star Cinema na kung pwd tnaggalin si DJ Durano sa cast. Eh di ba di pwd yun. kasama ata sa contrata ni Direk na all Wenn Deramas films MUST feature mr DJ durano hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  deathbychocolate

    03/23/2012 | 11:16 PM
    kasi panay yang jowa mong si DJ Durano ang kasama sa package deal ni Direk. hehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  pearl102

    03/23/2012 | 10:37 PM
    RUSHES, referring to the speed at which the prints are developed---------Oh hayan, di ba sinabi ko na kanina na akala ko pinag iisipang mabuti yon naman pala sa set na lang niya ito pinag iisipan. LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
123

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About