news

Direk Wenn Deramas on Star Cinema's decision to back out from co-producing his movie with Viva Films: "Totoong sumama ang loob ko."

by Rey Pumaloy posted on March 23, 2012  STATS: 7241 Views | 55 Comments

"Kasi ang feeling ko, bakit ngayon lang ang desisyon na 'yan? Samantalang on their end, pinagtrabaho naman nila ako, di ba? Like sinabi ko nga, the additional shoots and meetings with them, ganyan-ganyan..." says Direk Wenn Deramas when asked what he feels about Star Cinema's decision not to co-produce his movie with Viva Films anymore.

Photo By: Allan Sancon

Tila hindi raw yata tinatantanan ng problema at isyu si Direk Wenn Deramas sa Star Cinema.

Malabo na raw kasing i-co-produce ng Star Cinema ang pelikula niyang lalabas ngayong April. Ito ay ang Moron 5 and The Crying Lady na pinagbibidahan nina Luis Manzano, Marvin Agustin, Billy Crawford, Martin Escudero, DJ Durano, at John "Sweet" Lapus.

Dapat sana'y muling magsasanib-puwersa sa isang co-production venture ang Star Cinema at Viva Films para sa pelikulang ito, pero kumalas ang film arm ng ABS-CBN. Kaya ang Viva ngayon ang solong bumabalikat sa produksiyon ng pelikula.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa presscon ng Moron 5 and The Crying Lady kagabi, March 22, na ginanap sa Royal Dining Seafood Restaurant, Tomas Morato, Quezon City, ipinaliwanag ng Viva Films executive na si Vincent del Rosario na hindi naging matagumpay ang pag-uusap nila ng Star Cinema.

Si Vincent ay anak ng Viva big boss na si Vic del Rosario.

Ayon kay Vincent, "I think ano, e, yung exercise na parang nag-evaluate ng isa't isa yung project na naganap, pero hindi nagkaroon ng resolution. 

"Like in any other business, minsan parang one-side deals na, 'Dapat ganito ang gawin.' The other side deals, 'Dapat ganito gawin.'

"Na hindi lang nagkasundo sa iba't ibang viewpoints. 

"Pero patuloy naman... we're co-producing with Star [Star Cinema]," na ang tinutukoy ni Vincent ay ang pelikula na pagsasamahan uli nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo.

Dagdag pa niya, "Nakakapanghinayang kasi masaya sana if we work together again.

"Pero itong instance na ito, hindi nagkita sa gitna."

Noong nakaraang taon, dalawa sa co-production deals ng Star Cinema at Viva Films ang naging pinakamalaking hits sa takilya—ang No Other Woman at Praybeyt Benjamin.

DIREK WENN SPEAKS UP. Sa panayam naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Direk Wenn matapos ang presscon proper ng Moron 5 and The Crying Lady, nilinaw nitong sa Enteng Ng Ina Mo siya unang nagkaroon ng problema sa Star Cinema.

Matatandaang sumama ang loob ni Direk Wenn nang hindi siya kunin bilang direktor ng pelikulang pinagbidahan nina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas, samantalang konsepto niya ang istorya at mga karakter sa Ang Tanging Ina movie franchise.

1  2  3  4  5  6  7  8  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

55 Comments

  • 15  certified_orig1

    03/23/2012 | 10:34 PM
    yung blockbuster movies ng STAR CINEMA is the same sa sold out concerts kuno na maraming tickets pinamigay to mindset the people na marami manonood. So lumaki ang gross pero lumaki rin ang gastos. Hindi talaga kapani paniwala for a local movie like Private Benjamin shown in 190 cinemas mas malaki pa ang kita sa Twilight shown in 340 cinemas. That's the greatest PADDING OF ALL TIME... hahaha. Maniwala lang ako kung bumaba ang utang ng ABS.. Kaya utang na loob tigilan na yang panloloko sa viewers nyo hahaha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  certified_orig1

    03/23/2012 | 10:28 PM
    If ABS is really earning sa mga blockbuster movies kuno nila, hindi sila takot gumastos... magaleng lang kasi sila mag mindset na sa mga kapamilya na laging blockbuster kuno, yun pala dahil maraming ginastos para allocation sa tickets na ipamudmod at sabihing mahaba ang pila.. They are creating a scenario na pinipilahan kuno to entice moviegoers. Ang ending malaki kuno ang gross pero malaki rin ang gastos. hehehehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  kayako

    03/23/2012 | 10:22 PM
    RUSHES definition, Film and Video Dictionary: - This refers to daily prints of a film used for EVALUATION PURPOSES. teh Pearl, ayan oh mas clear...kalurkey ka talaga! pramis! RUSH RUSH ka kasi sa pagcomment...ayan tuloy!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  kayako

    03/23/2012 | 10:18 PM
    omaygulay PEARL102: wiz mo gets ibig sabihin ng RUSHES. hindi po rush na nagmamadali/minadali...kalurkeeeeyyyy! heavy react ka pa naman teh..sa film, RUSHES means - The first, unedited print of a movie scene. nakakalokaaahhh!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  pearl102

    03/23/2012 | 09:48 PM
    Sa case ko, na lagi kong isinusulat ang script sa set, so rushes ang pinapanood nila. ------------Wow, hayan na naglalabasan na sila ng kani kanilang bulok bwahahaha RUSHES pala ang mga movies na gawa ng DOS at VIVA....akala ko pina iisipan nilang mabuti. Dami nilang naloloko...sabagay madali namang lokohin ang mga PANTRDS ng DOS...basta sinabi ng DOS bilib na bilib sila...pag sinabing QUALITY sige quality..claimed pa ng mga PANTARDS WORLD CLASS pa DAW...nakapanood ako ng dawalang movies na gawa nila pero wala akong makitang kakaiba sa istorya ng mga movies...pareho pareho lang...no wonder na hindi talaga nila maisabak ang kanilang mga QUALITY and WORLD CLASS na mga movies sa mga bigating international film festivals...mabuti pa ang mga INDIE FILMS.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  henriettopex

    03/23/2012 | 09:47 PM
    bakit itong mga tao sa entertainment industry pinepersonal masyado ang business decisions???? hello??? Hindi sa lahat ng panahon ay sasangayon ang Star Cinema sa Viva. Syempre pinagaaralan din ng Star Cinema kung may return sila sa pagpasok ng isang movie. Ayaw ng Star Cinema na matulad sa kapalaran ni Mother Lily na produce lang ng produce kahit na hindi worth it!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • diane84

    03/23/2012 | 09:28 PM
    ohh bakit viva need pa nyo ang STAR CINEMA? eh diba kyo itong kung mka angas akala nyo kung sino kyo? remember yung movie ni JUDAY at SARAH na produced lng ata ng VIVA ay flop! aminin nyo kasi STAR CINEMA ang may HATAK!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bhellyposh

    03/23/2012 | 08:51 PM
    hinihintay ni derek wenn na matapos muna ang showing ng maroon 5 bago sila maguusap ng Abs dahil kung kikita ng bongga ang maroon 5 syempre magpapataas ng presyo si derek wenn dahil kahit walang star cinema kumita pa rin ang pelikula nya or may tendency na lilipat sya ng ibang network or pupunta sya sa bakuran ng viva.Ngayon kung okey lang ang kita ng maroon syempre may i stay sya ulit sa Abs. masyado akong assuming ano hahahhaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • macmack213

    03/23/2012 | 08:30 PM
    kelangan talaga ng viva ang star cinema! thats a fact!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • puckerlips143

    03/23/2012 | 08:27 PM
    Binibigyan lang ng star cinema ang viva ng dose kung kaya nilang makapagblockbuster without star cinema maangas na kasi ang viva feeling din so now make that moron5 a big hit on your own viva ang pangit nga ng trailer parang mediocre lang but nakakatawa naman sayang kung co-produce ito ng star mas attractive ang trailer.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • alexcris

    03/23/2012 | 07:28 PM
    this might be the third time... nakalimutan na yata nila ang hating kapatid... kung minsan kasi, corny na rin ang pinag-gagagawa nitong si direk wenn... magaling lang talagang magdeliver si ai ai kaya panalo ang tanging ina mo movies... ganun din yung praybeyt benjamin...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kansilay

    03/23/2012 | 07:17 PM
    Nagkita ang dalawang segurista at gahaman! Lolz...ang Viva na mahilig mamirata ng endorsement ng ibang artista! At ang Star Cinema na mahilig mamirata ng artista! Pero magaling nman tlaga sa Promotion ang Star Cinema, kc ung Praybeyt Bejamin ang daming nalinlang ng movie na un pagkatapos panoorin! Lolz...Kaya aminin ng Viva pilay cla pag wla ang SC! Sana gayahin to ng Regal at GMA minsan magaganda ang movie nila pero kulang sa promotion! Wla ako Pakialam sa network war sa totoo lng tau! Bsta kahit saan gusto ko artista panonoorin ko! Lolz...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gma_pinay

    03/23/2012 | 06:51 PM
    sorry po, baka it's the other way around..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • aaronick

    03/23/2012 | 06:47 PM
    Pero huwag mong ipangalandakan. Inilahad ni Direk Wenn lahat ng reasons kung bakit kailangan ang Star Cinema. May nabasa ka ba sa artikulo na tinitira niya Star Cinema? So wag kang assuming. Kaya nga nakakalungkot na umatras ang Star Cinema di ba? Baka kasi haluan na kung anu-anong interpretasyon ng mga trolls dito yung article. Ang ipanalangin niyo, magkaroon ng magandang resulta yung usapan between the mediator. Kasi kung hindi, sayang naman.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ashsss

    03/23/2012 | 06:33 PM
    kailangan nyo ang STAR CINEMA kaya wag kayong pa drama-drama dyan!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
123

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About