Ani Direk Wenn, "Totoong nagtampo.
"Pero hindi rin... alam ko na sa dami ng calls ng Star Cinema para mag-usap kami dahil dito, alam kong bina-value nila ako bilang direktor nila.
"Kasi kung hindi, dededmahin nila 'eto, e. Pero hindi ito.
"Ang nangyayari, kaya hindi pa nagaganap ang meeting na 'yan, sinasabi ko rin sa kanila.
"Kasi ginagawa ko po yung Wako Wako na M-W-F [Monday, Wednesday, Friday].
"Nagtapos ako ng pelikula ng T-Th-S [Tuesday, Thursday, Saturday] and at the same time, nagpu-post prod ako ng pelikula.
"And at the same time, nagsisimula ako ng soap ni Iza Calzado na may playdate na rin.
"So, nakiusap lang ako na kung puwede, pagkatapos ng pelikula, matutulog lang po ako, 'tapos meeting tayo. Yung ganun.
"Hindi naman talaga ako mahirap kausap."
THINK THINGS OVER. Gaano katagal ba ang hinihinging "tulog" ni Direk Wenn?
"Ang sa akin lang po, may emosyon tayo 'pag pagod tayo, di ba?
"Yung pagod, pagod at pagod. Hindi magiging maganda 'yan.
"Ang maganda, maka-rest tayo nang mahusay.
"Makapagmuni-muni ako dahil mga importanteng tao rin ang mga ito sa buhay ko at sa career ko.
"So, iingatan mo rin ang mga sasabihin mo, kaya humihingi ako ng pahinga lang.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
15 certified_orig1
14 certified_orig1
13 kayako
12 kayako
11 pearl102
10 henriettopex
9 diane84
8 bhellyposh
7 macmack213
6 puckerlips143
5 alexcris
4 kansilay
3 gma_pinay
2 aaronick
1 ashsss
more comments