"Iba lang talaga 'yong, being in this kind of business, iba 'yong pagtingin talaga kapag theater, parang ang taas."
At dahil nga napasama na siya sa isang musical play, isang katuparan daw ito sa kanyang mga pangarap.
Sabi ni Vina, "My dream talaga is to have a concert at Araneta Coliseum and it happened for Showgirl.
"Then, I've done several movies, kontrabida roles, teleseryes, [I've recorded] songs.
"Ito na lang talaga ang kulang.
"At least now, I can say na I've done everything. Ito na, at least nag-theater na ako for the first time."
Bilang paghahanda, sasadyain ni Vina ang pagpapalabas ng Rock of Ages sa Fresno, California, habang may tour ang Star Magic sa America ngayong Abril.
Makakasama ni Vina sa local adaptation ng rock musical ang international Pinoy rock star na si Mig Ayesa, na naging bahagi rin ng Broadway version ng Rock of Ages bilang Stacee Jaxx.
NO OTHER PROJECTS. Dahil sa pagkakasama niya sa Rock of Ages, maaaring matagalan bago masundan ang ginawa niyang teleserye, ang Nasaan Ka, Elisa?
"Since Rock of Ages is my priority, I'm not doing any other show," sabi ni Vina.
"Gusto ko talaga. Kaya lang because of Rock of Ages, hindi ako makakapag-start ng soap opera.
"Kasi we'll rehearse every day, 9 a.m. to 5 p.m., na parang office din. We can't be absent for our preparation.
"Ang taping naman ng soap is thrice a week, that's a whole day, so talagang malabo. I really cannot [do it]."
Gayunman, umaasa si Vina na pagkatapos ng Rock of Ages, na ipalalabas mula June 17 to July 5, ay magkakaroon siya ng pagkakataong umarte ulit para sa telebisyon.
"After nito, siguro another soap opera kasi baka ma-miss na naman ako ng mga tao," sabi ni Vina.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
7 ultimatetmd
6 mayumi1331
5 eiram48
4 winged_angel
3 milomilo123
2 ka_epal
1 skittlesrainbow