Rocco Nacino on why he and rumored girlfriend Sheena Halili do not want to put a label on their relationship: "Kasi kung iri-risk namin yung pag-take sa next level, nandun yung factors na pareho kaming busy sa taping ng shows namin, busy sa trabaho. Baka kasi maging sanhi pa ng away yan, e," he says.

 

Photo: Noel Orsal

Isa rin sa mga taong nagpasaya sa birthday ni Rocco Nacino noong Marso 21 ay si Sheena Halili, ang babaeng matagal nang nauugnay sa kanya.

Dumalaw nga si Sheena sa set ng taping ng The Good Daughter, ang afternoon soap ng GMA-7  na kinabibilangan ni Rocco.

Ano naman ang birthday gift sa kanya ni Sheena?

“Yung pagpunta niya, yung pagbati niya. Siyempre may gift din pero kung ano, sa akin na lang yun. Basta simple but meaningful.”

Kumusta na ba sila ni Sheena?

“Happy at maganda pa rin ang relationship namin.”

Pero may label na ba ang relationship nila ngayon? Sila na ba?

“We’re not putting any label yet. Ang hirap pa ring mag-assume e, kung ano kami.

"Kasi kung iri-risk namin yung pag-take sa next level, nandun yung factors na pareho kaming busy sa taping ng shows namin, busy sa trabaho. Baka kasi maging sanhi pa ng away yan, e.”

Okay din daw kay Sheena na wala pang label ang relationship nila.

“Okay kasi siguro nakikita niya na maganda yung intensyon ko sa kanya. Ako, willing naman akong maghintay.”

Paano niya ilalarawan si Sheena bilang importanteng babae sa buhay niya?

“Christ-centered, unang-una. She loves her family.

"One thing we have in common—parehas kami na mahal na mahal ang pamilya namin. That’s why we get along.

"Tapos parehas kaming panganay. Parehas kaming 25 years old. So, nagki-click talaga yung personality namin.”