Sexy actress Katrina Halili is pregnant. She has confirmed this report in an exclusive interview with StarTalk TX, which will be aired Saturday, March 24. Days before said interview, PEP already confirmed from her camp that Katrina is infanticipating.

Photo: Courtesy of GMA-7

Kumpirmadong buntis ang sexy actress na si Katrina Halili.

Unang naiulat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagdadalang-tao ni Katrina ngunit ayaw magbigay ng kumpirmasyon noon ng mga taong malalapit sa Kapuso actress.

Inamin ni Katrina ang kanyang pagdadalang-tao sa taped interview sa kanya ni Ricky Lo para sa StarTalk, na ipapalabas ngayong hapon,  March 24.

Fifteen weeks na ang ipinagbubuntis ni Katrina.

Ang ama ng dinadala ni Katrina ay ang singer na si Kris Lawrence.

Abangan ang mas detalyadong artikulo kaugnay ng pagbubuntis ni Katrina dito sa PEP.