Most showbiz couples tend to hide or deny their relationship from media and the public. Bryan Termulo says he's not likely to do this with Angeline Quinto.

“Bakit ko naman itatago? Wala pa naman dun, di natin masasabi pero abangan na lang nila."

Photo: Allan Sancon


Kung ang pagbabasehan ay ang panunuksong ginawa ni Kris Aquino kina Bryan Termulo at Angeline Quinto sa nakaraang guesting ng dalawa sa Kris TV, sasang-ayon ang lahat na mukhang merong nade-develop sa pagitan ng dalawa.

Ayon kay Bryan sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan, mismong siya ay nagulat sa ginawang panunukso sa kanila ni Kris pero di naman tinago ng male singer na may atrakasyon siyang nararamdaman para sa Star Power champion.

“Ultimo ako nga nagulat sa tanong ni Ms. Kris kasi out of nowhere bigla niyang sinabi, 'Nililigawan mo ba siya?'

"Siyempre dahil wala naman talaga, sabi ko, 'Hindi po. Wala pa kami sa ganung stage, friends talaga kami. Text, madalas mayroon kaming mga shows together, so dun kami nagkaka-usap.'

“Ako kasi gusto ko talaga mga singers, so madali akong magkagusto, ma-attract sa magagaling kumanta.

"Aaminin ko, yes, attracted ako sa kanya pero hindi ako nanliligaw.

"Tingnan natin, basta ang masasagot ko for now, hindi talaga.”

GENUINE. Aminado si Bryan na isa pa sa nagustuhan niya kay Angeline ay ang pagiging totoo nito sa sarili, na ramdam mong wala talagang pretensyon.

“Siguro masyado siyang totoo sa sarili niya na I find it sobrang nakakatuwa. Walang halong ere,  siya talaga yun, sobra siyang totoong tao.

Marami sa mga artista ang nagtatago o nagde-deny, kahit obvious na may relasyon na sila. 

Siniguro ni Bryan sa amin na hindi niya ito gagawin kung magkatuluyan man sila ni Angeline.

“Bakit ko naman itatago? Wala pa naman dun, di natin masasabi pero abangan na lang nila," aniya.

Hindi rin naniniwala si Bryan sa matagal ng isyu kay Angeline na lesbiyana daw ito.

“Hindi ako naniniwala na lesbian si Angeline. Ang sweet niya as a person, sweet sa akin.”

BOY BAND. Kasama si Bryan sa grupong Boys R Boys. Hindi raw nagiging issue sa kanila ang sapawan, lalo’t pare-pareho silang mahuhusay na singers.