A few days before his birthday, Aljur Abrenica received a special gift but refuses to divulge the name of the giver.

“May natanggap na po akong advance na regalo. Na… napaka-espesyal. Pero… hindi ko pa po siya binuksan. Gusto ko, sa mismong birthday ko buksan ‘yong gift na iyon," he says.

 

 

 

Photo: Rose Garcia


Ngayong araw na ito, Sabado, March 24, ang birthday ni Aljur Abrenica. 

Pinili niyang ganapin ang selebrasyon sa Patio Alfonso, ang naipatayong resort ng kanyang pamilya sa Batangas.

“Kasi ‘yong resort na ‘yon, produkto ng dugo at pawis hindi lang po sa akin, kundi sa pamilya ko,” sabi ni Aljur nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan lamang.

‘Lalung-lalo na po sa tatay ko. Pinaghirapan po talaga niya ‘yong business namin na ito. 

"Pinag-ipunan naming dalawa para magkaroon kami ng ganito kagandang lugar sa Batangas.

“’Yong Ichiban [bar and restaurant nila sa Batangas din], older sa akin iyon, e. Family business na po namin talaga iyon dati pa.  Na-develop lang po namin iyon.”

THREE LADIES. Sa gaganaping birthday celebration niya sa Batangas, wish ni Aljur na maging guest niya ang tatlong babaeng espesyal para sa kanya.

Una ay ang rumored girlfriend niyang si Kylie Padilla, tapos ang dating ka-loveteam niya na hanggang ngayon ay close friend na si Kris Bernal, at ikatlo ay ang kaibigan din niya at naging kapareha na si Rhian Ramos sa My Kontrabida Girl, ang latest offering ng GMA Films.

“Hindi lang naman silang tatlo ang naimbitahan kong maging special guests.  Marami sila.

“Uhm… basta in-invite ko lang silang lahat.

“E, lahat sila [Kylie, Kris, and Rhian] hindi sigurado, kasi Party Pilipinas kinabukasan.

“Tapos ‘pag Saturday, technical rehearsal.  Tapos sobrang aga pa ng call time kinabukasan para sa airing nga ng Party Pilipinas.

“Kung makakarating sila, sobrang matutuwa ako.  Kasi talagang… sakripisyo iyon, e.

“Isasakripisyo nila ‘yong tulog nila.  Kasi siguradong mapupuyat  ka kapag pumunta ka roon.  Dahil malayo ang Batangas. Two hours drive.

“Kung hindi naman sila makapunta, okey lang.  Hindi naman sasama ang loob ko,” nangiting sabi ni Aljur.