Besides the teleserye, My Beloved, Fabio Ide is scheduled to do two movies for Regal Entertainment—Ride To Love and a still untitled project.

 

 

Photo: Erwin Santiago

Hindi raw totoong ipinagsaya o ikinatuwa ni Fabio Ide ang pag-alis ni Akihiro Sato sa Pilipinas.

Si Fabio rin ang naglinaw sa napabalitang hindi na babalik si Akihiro dito sa bansa.

“Babalik siya this April, babalik na siya dito sa Pilipinas, kausap ko siya sa phone the other day,” umpisang pahayag ni Fabio nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan sa Dulcinea Restaurant sa Morato.

Wala raw rason para maging masaya siya if ever hindi na babalik si Akihiro sa Pilipinas; kaibigan raw niya ang kapwa Brazilian/Japanese model at mas gusto raw niya na nandito sa bansa si Akihiro.

Si Fabio pa nga ang nagkumbinsi noon kay Akihiro na subukan ang kapalaran bilang modelo sa Pilipinas.

“I was the first Brazilian/Japanese na nag-try ng modelling dito sa Pilipinas, and ako yung nag-convince kina Akihiro and Daniel [Matsunaga] para pumunta dito.

"Mas nauna nga lang sila na mag-try sa showbiz as artista, pero mas nauna ako sa modeling dito sa kanila.

“Walang intriga sa amin, walang rivalry, walang inggitan kaya hindi totoo na natuwa ako na umalis siya. And the truth is babalik siya.”

Si Fabio rin ang nag-reveal na hindi totoo ang unang napabalita na may sakit na kanser ang ama ni Akihiro.

“Wala, wala siyang cancer. Yeah, totoo na nagkasakit ang father niya, pero hindi cancer.

"Umuwi si Akihiro sa Brazil para alagaan muna ang father niya. May sakit ang father niya pero hindi cancer.

“Another thing is tumulong muna si Akihiro sa pagma-manage ng business nila doon sa Brazil, they have a restaurant business in Brazil and tumulong siya sa pag-aasikaso doon kaya rin siya pumunta doon.

“Pero hindi totoong hindi na siya babalik, he loves his work here, he loves the country, kaya babalik siya,” sinabi pa ni Fabio.

SHOPPING FOR HIS SISTER. Samantala, ikinuwento ni Fabio na ang kapatid niyang babae ay nanakawan kamakailan sa Brazil. Uuwi kasi si Fabio doon this May at ang request raw sa kanya ng kanyang kapatid ay pasalubungan niya ito ng mga bagay na nawala dito tulad ng mga electronic gadgets.

“Actually, kotse ng boyfriend niya ang nanakawan, and nandoon ang mga gamit ng sister ko, kaya nanakaw rin ang mga gamit niya.