Of the three special ladies Aljur Abrenica (in photo) invited to his birthday celebration at the family-owned beach resort on Saturday (March 24), only Rhian Ramos, his co-star in Ilumina and My Kontrabida Girl, was able to attend. Kris Bernal and Kylie Padilla were not able to make it to Batangas, but had earlier sent gifts.

Photo: Noel Orsal


Hindi na-spoil ng biglang pag-ulan ang 22nd birthday celebration ni Aljur Abrenica na ginanap Sabado, March 24, sa kanilang resort and restaurant, ang Patio Alfonso sa Batangas City, Batangas.

Noong una ay medyo na-bother ang StarStruck Ultimate Hunk dahil biglang umulan nang malakas ng bandang alas-dos ng hapon. Pero inisip na lang ni Aljur na blessing iyon para sa kanyang kaarawan.

Pagkatapos naman ng higit na isang oras na pag-ulan, tumigil rin ito at sumikat na ang araw na ikinangiti naman ng birthday celebrant.

“Bata pa lang po ako, sinasabi sa aming magkakapatid ng parents namin na kapag umulan sa birthday namin, ibig sabihin no’n ay blessing iyon mula sa Panginoon.

“Kasi nga, summer na pero may ulan pang dumating. So gawa lang ni God ‘yan. Kasi kanina nga masyadong mainit, pinalamig lang Niya siguro.

“Kaya heto natapos na ang ulan kaya tuloy po ang celebration natin,” ngiti pa ni Aljur.

Noong kinagabihan ng birthday party ni Aljur, bukod tanging si Rhian Ramos lang ang naabutan naming dumating. Yung ibang espesyal na kanyang inimbitahan tulad nila Kylie Padilla at Kris Bernal ay hindi nakarating sa kanyang celebration.

“Marami naman akong inimbitahan. Alam ko na malayo itong resort namin pero yung thought na ako ang personal na nang-imbita sa kanila, ginawa ko talaga iyon kasi gusto ko silang makasama sa importanteng gabing ito.

“Pero naiintindihan ko naman po kung hindi rin sila makapunta. May mga valid reasons naman sila siguro at maiintindihan ko iyon,” sabi ni Aljur.

THREE SPECIAL GIFTS. Mula sa tatlong babaeng close sa kanya ngayon, nabanggit ni Aljur na may natanggap na siyang mga regalo mula rito. Ayaw na lang sabihin ni Aljur kung ano ang mga iyon.

“Mula kay Kris, dahil sa sobrang thoughtful siya, marami na siyang naireregalo sa akin tuwing birthday ko. Hindi po ako nakakalimutan ni Kris.

"Nabigay na niya yung gift niya sa akin pero secret na lang kung ano iyon.

“From Rhian naman, isosorpresa na lang daw niya ako. Pero may idea na raw siya kung ano ang ibibigay niya sa akin.

“Naging very close kami ni Rhian noong gawin namin ang Ilumina at My Kontrabida Girl kaya alam na niya ang gusto ko.

“From Kylie naman, yung binigay niya ay isang bagay na magagamit ko pang-araw-araw.