When asked why daughter Lexi and her boyfriend ended their relationship, Maritoni Fernandez (in photo) explains: "Na-boring yata sila sa isa’t-isa, e. Kasi trabaho nang trabaho, trabaho nang trabaho...kasi yung guy naman medyo may edad na e, di ba, twenty na ata, si Lexi kase-seventeen pa lang.”

Photo: Courtesy of GMA-7

Masaya si Maritoni Fernandez sa role niya bilang si Anna Marie Leviste sa drama series ng GMA na Legacy. Naiiba raw kasi ito sa iba niyang ginawa na sa telebisyon at pelikula.

“Yung feeling na bored ka na sa trabaho, di ba yung ganun nang ganun, na laging ganun. Dumarating sa puntong ganun e, di ba?

“Nung dumating itong role na ito talagang nabuhayan ako ng loob ulit, parang… tsaka excited ako pumasok sa trabaho hindi tulad dati parang, ‘Ito na naman… di ba, mundane?” umpisang pahayag ni Maritoni nang dalawin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Legacy, March 22, sa Timberland Resort and Sports Club sa Cainta, Rizal.

Ngayon raw ay nalalaro na niya ang karakter niya…

“Exactly! Ang sarap! Unang labas ko pa lang dito yung kami ni Eddie Garcia, ‘Fafa!!!’

“Yung ganun. Markadung-markado iyon! Sabi ko kay Kuya Eddie, ‘Kuya Eddie, lalandiin talaga kita, ha?’ Kasi bold star ako dito, di ba?

“Maraming-marami pang padating na mga eksena namin ni Eva [Cherie Gil] na tarayan, ang ganda talaga.

"Kasi yung role ko dito hindi siya yung pangkaraniwang kontrabida e, asar-talo yung role, talagang pang-asar.

“Kaya ang dami talagang fans or yung mga nanoood at sumusubaybay na talagang na-e-excite na talagang they’re happy na may ganoon palang pang-aasar o pangko-kontrabida.

“Tapos kami pa ni Alex [Alessandra de Rossi na gumaganap na anak ni Bernadette Leviste]… ito, isa pa ito e, ‘Tiktak ka ng tiktak diyan,” sabay-tawa ni Maritoni.

“Ang galing na artista nitong si Alex e, ang galing niya talaga, magaling siya.”

Mas magaling kina Lovi Poe at Heart Evangelista na lead female stars rin ng Legacy?

“Para sa akin. Sorry ha, pero talagang parang tunay na isang ina, pinakamagaling talaga sa kanilang tatlo? Ang anak ko!”

ON LEXI. Kumusta naman ang anak niyang si Lexi Fernandez?

“Okay very busy, ayun, kakaumpisa niya lang ng Just One Summer [movie ng GMA Films]. Siya yung kontrabida dun.