Rocco Nacino was named Breakthrough Performance by An Actor at the 9th Golden Screen Awards for his performance in Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa. He also won at the 28th Star Awards for Movies last week.

Photo: Melo Balingit

“Speechless” daw ang aktor na si Rocco Nacino dahil sa parangal na kanyang napanalunan sa 9thGolden Screen Awards na ginanap noong Sabado, March 24, sa Teatrino, Greenhills, San Juan.

Nasungkit kasi ng Kapuso actor ang Breakthrough Performance by an Actor award para sa debut film niyang Ang Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa; kung saan nakasama niya si Paulo Avelino at ang nagwaging Best Actress-Drama ng gabing iyon na si Jean Garcia.

(CLICK HERE for related article.) 

“I feel very humbled and motivated to excel in my craft,” sagot ni Rocco nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press ang reaksiyon niya sa kanyang pagkapanalo.

“Lalo ko na-appreciate ‘yong thought na mahilig talaga ako umarte, at talagang gagalingan ko pa, lalo para sa mga viewers, sa mga gagawin natin movies at sa mga gagawin natin shows in the future.

“I want to be a better actor, and I want to give what the audience want.”

TWO IN A ROW. Ang parangal na ito ang pangalawang acting award ni Rocco sa loob lamang ng isang buwan.

Nauna dito’y nanalo bilang New Movie Actor of the Year si Rocco sa 28th Star Awards for Movie, para pa rin sa pelikulang Ang Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa. Ginanap ang awards night noong March 14 sa Meralco Theater.

(CLICK HERE to read related story.)

Hanggang nagyon nga raw ay hindi pa rin siya lubos na makapaniwala sa tagumpay na natanggap.

“Ito, pinapawisan ako ngayon, nare-realize ko na nangyayari itong lahat!” natatawang sabi ni Rocco.

“Nagsi-sink in na, at kanina po... aaminin ko nabubulol ako kanina dahil at a loss for words talaga ako.

“It’s really good to know na you’re in the second year in the business, and natanggap mo ‘yong ganitong klase ng awards.

“It makes me want to work again... kung puwede ngayon magtrabaho na, e.”

Si Rocco ay produkto ng reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck, kunsaan ay naging Second Prince siya ng Batch 5.