[x]

Sarah Geronimo and Gerald Anderson both admit that their friendship has grown deeper. The young actor says, "Mas close kami ngayon kasi mas madalas ang naging communication naming dalawa."

Photo: Richard Gay

Parami na nang parami ang mga nagiging tagasuporta ng tambalang Sarah Geronimo at Gerald Anderson.

Karamihan sa kanila ay dumalo sa kauna-unahang fans' day na inihanda ng Jollibee para sa kanilang celebrity endorsers sa 55 Events Place sa Scout Rallos, Quezon City, kahapon, Marso 25.

Subalit tila hindi lamang pang-onscreen ang pagsasama nina Sarah at Gerald, na naging magkapareha sa mga palikulang Catch Me I'm In Love at Won't Last A Day Without You noong nakaraang taon.

Matapos ang meet and greet with the fans, sabay na nagpaunlak ng panayam sina Sarah at Gerald.

Dito ay inamin ng dalawa na mas madalas na ngayon ang pakikipag-usap nila sa isa't isa.

Sabi ni Gerald, "Kaya siguro mas naging mas close kami ngayon kasi mas madalas ang naging communication naming dalawa."

Dagdag pa ng young actor, kahit tapos na ang mga proyektong magkasama sila, hindi naman nawawala ang pagkakaibigang nabuo noong mga panahong iyon.

Aniya, "Siguro 'yon din ang maganda sa amin kasi minsan kung ano 'yong nakikita nila sa stage, totoo rin.

"Mas bonded kami ngayon, mas madalas ang communication namin ngayon [kaya] mas nakilala ko po siya.

"Siguro gano'n din sa kanya."

Halos ganito rin ang naging pahayag ni Sarah.

Sabi ng Pop Princess, "Bina-value ko po talaga 'yong nabuong friendship sa amin kahit tapos na po ang pelikula namin.

"Ako, sabi ko naman po sa kanya, kung saan siya magiging happy talaga, nandito lang ako para sa kanya."

MORE TIME FOR SARAH? Samantala, dahil kasalukuyang bakasyon si Gerald pagdating sa trabaho, pagkatapos ng Budoy, mas marami na raw siyang panahon para pagtuunan ng pansin ang mga mahahalagang tao sa buhay niya.

Isa na marahil dito si Sarah, na inamin niyang nililigawan niya.