Eugene Domingo on reprising Nora Aunor's role in Bona stageplay: “Alam mo, sa totoo lang, meron talaga kaming connection. I mean, magaan ang loob niya sa akin. Nagpapasalamat ako. Ako naman, talagang bow na bow naman ako talaga kay Miss Nora Aunor. Naramdaman ko naman na parang kampante siya na pirmahan niya na… nag-go signal. At ako naman, e, buong lakas kong aalagaan kung anuman ‘yong… kanyang itinatak sa Bona.”

Photo: Melo Balingit

Matapos sumalang sa live interview sa Showbiz Central kahapon, March 25, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Eugene Domingo pagbalik niya sa kanyang dressing room sa Studio 6 ng GMA Network.

Natawa si Uge (palayaw ni Eugene) sa unang tanong namin na nasa kanya na lahat ngayon—fame, awards, and money—ngunit tila lovelife na lang ang kulang?

Sagot ng award-winning actress: “Sabi ni Lord, huwag kong masyadong anuhin… i-pressure ang mga bagay-bagay kung hindi pa time!

        

“Overflowing na ang happiness. I-share mo na lang ‘yon.

“Kung meron pa Siyang ibang plano para sa akin, in His time.

“But it doesn’t mean that if I don’t have a lovelife, I’m loveless.

“I’m full of love!”

Full of blessings nga si Uge ngayon dahil bukod sa magandang takbo ng kanyang career ay sunud-sunod din ang mga parangal na natatanggap niya bilang isang mahusay ma aktres.

Kagagaling lang ni Uge mula sa Hong Kong para sa Asian Film Awards, kung saan nagwagi siyang People’s Choice Favorite Actress para sa Ang Babae Sa Septic Tank.

 

Noong Sabado naman, March 24, ay siya ang itinanghal na Best Actress-Musical or Comedy sa Golden Screen Awards para pa rin sa naturang pelikula.

“It’s very, very clear, blessing ni Lord ito,” nangiting sabi ni Eugene.

“Biyaya ng Panginoon… regalo.

“Siguro it’s a way of saying na, ‘Ikaw, bilang nandiyan ka sa posisyon na ‘yan, you should inspire others to, you know, to dream, to strive harder.

“Kasi ipinapakita naman na kung magsusumikap ka, darating ang panahon, magha-harvest ka.”

LEVEL UP. Ngayong sikat na sikat siya at kaliwa’t kanan ang natatanggap na pagkilala, naiisip ba niya na kailangang i-level up pa niya ang kanyang kalibre bilang isang dekalibreng actress-comedienne?

“Uhm… ako kasi, kung magplano ng mga projects ko, kung ano ‘yong possible, e.

“Right now, I am very happy with the projects I have for the year.