[x]

Enchong Dee on working with Xian, Enrique, and Kean: “Ang maganda kasi when you’re at your age of being a young adult, parang iisa lang yung gusto namin. We have these commonality towards music, food… siyempre girls.”

Photo: Elli Alipio

Pinag-uusapan na ang The Reunion dahil pinagsama-sama raw rito ang ilan sa mga pinakaguwapong artista sa bakuran ng ABS-CBN.

Ano ang reaksiyon dito ni Enchong?

“Wow! Thank you!” tila namumulang sambit ng young actor.

“Makukulit... pinakamakukulit na bata sa showbiz. Bata talaga?” natatawang dagdag pa ni Enchong tungkol sa kanyang mga kasamahan.

Tungkol saan ba ang The Reunion?

“Siguro I can say it’s about friendship.

“It’s about… yeah, the friendship… friendship and relationship,” paglalarawan ng binata.

THE BOND. Masasabing isang pambihirang pagkakataon ang pagsasama sa isang pelikula nina Xian Lim, Enrique Gil, Kean Cipriano, at Enchong Dee—o tinatawag ng karamihan sa Twitter at iba pang social networking sites na ang grupong “X. E. K. E.”

Kumustang katrabaho sina Xian, Kean, at Enrique?

Sabi ni Enchong, “Ang maganda kasi when you’re at your age of being a young adult, parang iisa lang yung gusto namin.

“We have these commonality towards music, food… siyempre girls!” sabay bungisngis niya.

Dagdag pa ni Enchong, “And yung work namin, of course.

“Parang we have this commonality with the environment that we’re into—which is show business nga.”

Kumusta naman ang bonding nilang apat?

“We, we get… ang pinakamaganda kasi do’n, when we're shooting together, kaming apat, hindi naman nawawala yung bonding.