Joseph Marco shares: “Kasi nga as Christians, parang wala naman talaga tayong sinusunod na rule, e.”

Photo: Nate Gonzaga

Nagkaroon ng pagkakataon na makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang young actor na si Joseph Marco sa isang recent event na dinaluhan nito.

Kumusta na kaya si Joseph matapos ang kanyang soap na Sabel?

“Okay naman.

“[After] the longest wait, I’m gonna have my teleserye soon.

“It’s another primetime, so it’s worth the wait,” masayang balita ng binata.

Unang nakita si Joseph Marco nang i-launch ito kasama sa 15 new discoveries ng GMA Artist Center noong 2007.

Una niyang naging proyekto ang La Vendetta kung saan gumanap siya bilang isang geek na si Santi Domingo. Nakasama niya rito sila Jean Garcia, Sunshine Dizon, at Jennylyn Mercado.

Gumanap din siya ng maliit na role sa remake ng Dyesebel noong 2008, bilang assistant ni Fredo na ginampanan ni Dingdong Dantes.

At noong 2010 nga ay lumipat ito ng Kapamilya network. Sa paglipat niya napili naman siya bilang isa sa lead cast ng Sabel bilang Raymond Sandoval. Dito nga nakasama niya ang napakagandang si Jessy Mendiola at ang namayapang young actor na si AJ Perez.

Dagdag pa nga niya, “I can’t reveal the co-actors so… ayon.

“By… I think by April—so we’ll start [taping] by April.”

THE REUNION. Ang pinagkakaabalahan diumano ngayon ng young actor ang movie kung saan makakasama niya sila Xian Lim, Enchong Dee, Kean Cipriano, at Enrique Gil.

Ang The Reunion ay directed by Frasco Mortiz—isang barkada movie na ipapakita ang journey ng isang grupo na hinahanap ang tunay nilang mga kaligayahan.

Ani Joseph, “Kami yung parang ano, rival group nila [Enchong].

“So kami yung medyo, parang yung kaaway palagi—palaging kasuntukan gano’n, palaging kaasaran, so nakakatuwa naman.”