news

Manny Pacquiao may lose endorsement deals due to trouble with BIR  

by Nerisa Almo posted on March 27, 2012  STATS: 3658 Views | 29 Comments

"Itinataya ko po ang aking buhay sa loob ng ring... but in just one instance, the BIR has tarnished my name by filing this case against me," pahayag ni Manny Pacquiao tungkol sa contempt charges na inihain laban sa kanya ng Bureau of Internal Revenue Region 12.

Nabanggit din ng kanyang legal counsel na maapektuhan ng kaso ang mga endorsement ni Pacquiao para sa mga kilalang international products.

 

Photo By: Noel Orsal

Sa tuwing may laban sa loob ng ring, matapang itong hinaharap ni Pinoy boxing champ Manny Pacquiao.

Ganito rin kaya ang kanyang pagharap sa kasong inihain laban sa kanya ng Bureau of Internal Revenue (BIR)?

Matatandaan na kamakailan ay lumabas ang balitang nagsampa ng contempt charges si BIR Region 12 Director Rozil Lozares laban sa Pambansang Kamao dahil sa hindi niya umano naipakita ang mga tax records na hinihingi ng kanilang kagawaran.

(CLICK HERE to read related article.) 

Ang kasong ito ay tila ikinababahala ng boksingero na nanunungkulan din bilang congressman ng Sarangani Province.

Ayon sa ulat ng GMA News, na nailathala sa website nito kahapon, Marso 26, maaari raw maapektuhan ang mga international product endorsements ng tanyag na boksingero.

Sabi ni Manny, sa isang press briefing na ginawa sa Makati kahapon, "Sa States, ang kinukuhang endorsers, iyong mga walang issue. Maselan sila pumili ng endorsers.

"Ang lumalabas kasi sa Amerika, tax evader ako. Napakasama ng image na lumalabas sa Amerika."

Nilinaw rin ni Manny na hindi tax evasion ang kasong isinampa laban sa kanya. Hindi rin daw siya nagkulang sa gobyerno pagdating sa kanyang mga tax.

Sa ngayon, kilalang endorser si Manny ng mga international brands tulad ng Nike, Hewlett-Packard, at Hennessey Liquor.

Halos kapareho ng pahayag ni Manny ang sinabi ng isa sa mga counsel niya tungkol sa magiging epekto ng kaso sa pagiging international endorser niya.

Ayon kay Franklin Gacal, milyong dolyar ang mawawala kay Pacquiao. 

"What is certain right now is that mawawalan ng endorsements siManny until this matter against him is settled," sabi ni Gacal.

Samantala, maaari naman daw mapilitan ang kampo ni Manny na sampahan ng kaso ang BIR officials dahil sa "undue injury" na idudulot ng contempt charges na inihain nila laban sa kanilang kliyente.

Ayon sa isa pang counsel ni Pacquiao, si Abraham Espejo, "Napakalaki ng epekto nito in terms of loss of endorsements and difficulty of getting contracts.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

29 Comments

  • 29  macs5609

    04/07/2012 | 07:27 AM
    Di ko na ma get itong si Manny, he is hiding his real face behind God, ano yung mga ginagawa ng mga BFFs nya like the GUN business, Boracay, Imported Car dealers, yung mga artista, milyones ang binabayad wala nman reklamo, iba ang tax nya sa US iba din ang tax nya sa Pinas, besides, he never go to the Congress to do his job, puro absent, kasi pera nya ang lumalakad, he voted against birth control, for sure si Jinkee nag pipills!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 28  wisdomtooth

    04/06/2012 | 06:26 PM
    Sus, daming pera na nyan e. Tama na at abot na sa langit ang pera nyo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 27  jdmv4982

    03/31/2012 | 10:34 PM
    naku Manny magbayad ka ng TAx at di lang kaming mga sumusweldo ng konti ang magshoulder na dapat mong babayaran...Kahiya naman sa iyo... anu ba yan....Represenatative ka pa naman....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 26  humandynamics

    03/30/2012 | 08:59 AM
    kung gusto ni manny pwede niyang gawing deductibles ang ang mga sardinas at kilong bigas na pinamimigay niya sa gensan.. sayang din yon baka makakuha pa siya ng tax returns, lol... kaloka!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 25  humandynamics

    03/30/2012 | 08:53 AM
    WE ALL KNOW SOMETHING FISHY IS GOING ON.. mas malaki pa ang binabayad na tax ni kris aquino keysa sa kanya.. si sharon cuneta maski noong hindi pa tumanggap ng bilyon sa tv5 mas malaki din ang binabayad na tax keysa kay manny.. kataka taka ba kung ganyan din ang sitwasyon ni chavit singson at kung sino pang alipores nila? paano namang aasenso ang bansang pinas ultimo ''lawmaker' DAW kinukurakot pati pagbayad ng personal income tax nila. asa pa kayo? SA TOTOO LANG NAKAKASUKA NA KAYO! DI KAYO MABUSOG MASKI LABAS NA ANG MATA NIYO SA KAKALUNOK!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 24  liwayway

    03/29/2012 | 10:11 AM
    mahirap bang magpresent ng tax records? it's filing a sheaf of documents with the BIR. why would manny hide them?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 23  yaralei

    03/29/2012 | 03:59 AM
    mas malaki pa ang taxes na binayaran ng mga ibang artista like angel locsin, kris aquino, sarah geronimo, marian rivera etc kaysa sa kanya to think na milyones dolyares ang kinikita...what a scam! dapat makulong ka money pakyaw!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 22  topengga

    03/29/2012 | 01:52 AM
    Ang tapang ng apog mo Manny na ipapasibak mo ang mga tauhan ng BIR . Ginagawa lang nila ang kanilang mga trabaho. Magbayad ka kasi ng buwis. Kaya mong bumili ng yate, kaya mong magbayad ng buwis. At ano na ang nangyari pala sa resort sa Boracay na pinatayuan ng kaibigan mo sa lupang pagaari ng gobyerno ? Si Lito Atienza pa ang nagbigay ng permit ninyo . Kurakot. Ang kakapal ninyo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 21  JeepneyDriver

    03/28/2012 | 08:31 PM
    Bakit mo kakasuhan ng Corrupt yung tao? Eh trabaho niya yung mangulekta ng buwis.....Malinaw na nandaya ka kasi manny...magbayad ka ng tamang buwis mo...Nakikinig ka kasi sa mga BFFs mo . . Nawala talaga ang credibility mo sa ginawa mong ito...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 20  Pedrohh

    03/28/2012 | 05:53 PM
    7M lng binabayad niya? what? nku lagot dapat ikulong si manny.... dapat kasohan... ikulong yan ng matoto 7M lng grabeh naman sa laki ng kita niya.....dapat parusahan ito ng matoto ang iba jan na di marunong magbayad ng buwis. batas yan kaya dapat susundin mo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 19  gummybears6

    03/28/2012 | 03:20 PM
    manny sa laki nang kita mo you only paid 7 million
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 18  xelamikila

    03/28/2012 | 03:11 PM
    Si Kim Henares, sinusuka ng mga tao sa BIR. Tuta ni Penoy. Pagmasdan nyo ang pagmumukha nya, mukha bang mapagkakatiwalaan o mas mukhang swindler?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 17  wanna_change

    03/28/2012 | 02:16 PM
    tinira kasi ni Pacquiao si Noynoy noon sa eleksyon... ngayon lang gumaganti si Noynoy at Kris Aquino kay Pacquiao.. gantihan lang talaga.. mas malaki pang magbayad ng tax kesa sa may-ari ng ABS CBN na si Lopez..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 16  Uripon

    03/28/2012 | 02:15 PM
    BopolEngot, batas kasi yung nilabag ni Manny Pacquiao so natural lang na magsampa ng kaso. Sana alam din ni Manny na hindi dahil nagbayad na siya ng tax sa ibang bansa para sa mga endorsement niya, e, di na niya kailangang magbayad dito. Mali. Kung wala naman palang problema, bakit di na lang niya pakita ang mga dokumentong hinihingi ng BIR?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 15  Babylove2

    03/28/2012 | 01:25 PM
    Kahit pa sa ibang bansa niya kinita ang pera dapat pa rin syang magbayad ng tax sa mga kinikita niya doon dahil Filipino Citz. sya.Kung ang BIR may naamoy sa kanya na kamalian dapat lang na idemenda sya kahit pa ilang milliones nabigay o pinamigay niya sa mga tao.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 14  Babylove2

    03/28/2012 | 01:17 PM
    Huh nasa congress ang taong ito?May alam ba sya?Kaloka ha kesyo nanalo ng ilang bises upo kaagad sa congress kahit walang ka alam alam kung lagi nalang ganito patay tayo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 13  updatedako

    03/28/2012 | 10:59 AM
    Eh bakit kasi di nya nilalabas dokumentong hinahanap ng BIR sa kanya? No one is above the law. Dati yung Baywalk restaurant nya di nagbabayad ng taxes dahil sakop ni Atienza, then sya mismo nagsabi nagpatulong sya kay Atienza na kumuha ng environmental permit para sa Boracay property ng kaibigan nya, eh ano pa yan kundi influence-peddling ng isang government official? Tapos eto lalaban ng boksing, magte-training tapos may TV show, nagtatrabaho pa ba ito sa Congress?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12  BopolEngot

    03/28/2012 | 08:46 AM
    baka nga guilty si manny tama... BAKA is still BAKA! not sure di ba? ang akin lang hindi sisirain ni manny ang name nya dahil lang sa walang kwentang tax na yan. alam ng lahat yan! barya lang ang tax na yan kay manny at alam nyo rin yan. kung mapapanood mo ung news at maririnig mo ung mga officials eh parang criminal na si manny. i even heard an official saying bakit ayaw ipakita ni manny ung documents sa states. BAKET? BAKA MAY TINATAGO! di bat nakakatawa kasi haka haka ung statement. NOT SURE pero nasabi na sa press o sa media at buong mundo ang nakaalam. Bakit hindi kausapin si manny ng maayos at sa kanya mismo sabihin ung mga ganyang litanya. Hindi pa sigurado pero nakamedia na ANO?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  BopolEngot

    03/28/2012 | 08:06 AM
    nakakatawa tong BIR... kung may problema sila kay manny hindi ba nila pwedeng iupo ito at kausapin si manny para ayusin ang problema. bakit kailangan sampahan ng kaso kung pwede namang ayusin. sabi nga ni manny kung may problema aayusin o babayaran nya. unang una ang laki na ng kinita ng Pilipinas kay manny sa tax lang. nag iisa yan na kung kumita eh limpak limpak. sa akin lang eh bakit kailangan idemanda kung pwede namang ayusin. sa napanood ko sa news eh documenta lang naman pala ang hinahanap. parang pinapalabas ng BIR may tinatago si manny sa kinita nya sa states na dapat isubmit lang sa kanila pero ang tono ng mga taga BIR ay galit at kala mong may utang sa kanila. patawa kalbo! kaya nga panawagan nya eh sa pangulo na ng pinas na si noynoying... kasi ang dami na ng binigay nya sa pinas na kahit sino pa ang itapat eh hindi magagawa. he doesn't deserve this...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  milomilo123

    03/28/2012 | 08:02 AM
    wala kasing income ang gobyerno ni pnoy kahi sino na lang hinahabol ng tax evasion. ingat ang iba dyan ibang klse yan si henares
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About