Ara Mina kept mum on her recent breakup with a Filipino-Chinese businessman so as not to create new issues or repeats that the press might feast on. The breakup, according to Ara, was her decision. She admits, “I guess siguro, hindi rin naman ka-proud-proud na i-announce mo na 'Hey, wala na kami.' Kumbaga, parang hindi mo lang akalain na mauuwi rin sa gano'n. But I’m the one… ako rin ang nag-decide."

Photo: Wilson Chua

Nabalita ang breakup ni Ara sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Raymond Ilusorio-Yap, isang Filipino-Chinese businessman.Raymond Ilusorio-YapRaymond Ilusorio-YapRaymond Ilusorio-Yap

Pero hindi ito masyadong napag-usapan sa media dahil mas pinili ng aktres na manahimik; bagay na ipinagtaka ng maraming nakakakilala sa kanya.

“Hindi naman siya kasi showbiz,” rason ni Ara sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Nanahimik ba ako?” natatawang reaksiyon pa niya.

SILENCE. Nag-mellow na ba ang isang Ara Mina pagdating sa pagbabahagi sa publiko ng mga kaganapan sa kanyang lovelife?

“Yeah, nag-mellow na nga ako,” sagot niya.

“I guess siguro, hindi rin naman ka-proud-proud na i-announce mo na, 'Hey, wala na kami.' 

“Kumbaga, parang hindi mo lang akalain na mauuwi rin sa gano'n. 

“But I’m the one… ako rin ang nag-decide,” pagtatapat niya.

Pero tumanggi nang magsalita si Ara nang tanungin ng PEP kung ano ang dahilan ng kanilang breakup.

“Sa amin na lang yun kung ano ang reason, kasi hindi naman siya showbiz para ilabas kung ano ang dahilan," sabi niya.

Namangka sa magkabilang mundo si Ara noong sila pa ng kanyang non-showbiz boyfriend. 

INFIDELITY? Sa gitna ng kanyang pagtatrabaho bilang aktres, sumasama siya sa kasintahan sa business meetings nito—hindi lang dito sa Pinas kundi sa abroad.

Hindi ba niya nakayanang makibagay sa mga tao sa mundo ng kasintahan?

“No, it’s not that,” mariing tanggi niya.

Hindi kaya “infidelity” ang rason?