Ara Mina kept mum on her recent breakup with a Filipino-Chinese businessman so as not to create new issues or repeats that the press might feast on. The breakup, according to Ara, was her decision. She admits, “I guess siguro, hindi rin naman ka-proud-proud na i-announce mo na 'Hey, wala na kami.' Kumbaga, parang hindi mo lang akalain na mauuwi rin sa gano'n. But I’m the one… ako rin ang nag-decide."

Photo: Wilson Chua

“Talaga lang ano, e... effort siya talaga—love letters, flowers every day. 


“Ang problema kasi, wala nang trust sa relationship, hindi na magwo-work out… Yun!

“Pero he’s a good man, he took care of me naman,” puri niya sa dating kasintahan.

SISTERS. Hindi ba siya natatakot para sa kapatid na si Cristine Reyes na sinasabing matindi rin kung umibig gaya niya?

“Hindi! Mas ano pa nga niya, e... feeling ko, mas wise siya pagdating sa love. 

“Ako pa nga yung mas all out, e," sabi niya.

Itinanggi niyang baliw rin sa pag-ibig ang nakababatang kapatid, gaya noong sila pa ni Dennis Trillo at ngayon naman ay kay Rayver Cruz.

Ani Ara, “Hindi, may control siya. Pero kaya niyang tiisin ang lalake, e, sa nakikita ko. 

“Ako, hindi ko kaya ang isang araw na hindi kami okey. 

“Talagang kahit pa siya yung may kasalanan, ako pa rin yung naggi-give in, nagpapakumbaba.

“Si Cristine, ‘Ikaw ang may kasalanan, problema mo 'yan!’ Ganun siya. Magkaiba kami ng character.”

Hindi ba tipo ni Cristine ang papayag agad na magpakasal kapag inalok ito ng kanyang boyfriend?

“Uhm… si Cristine kasi ‘pag love niya, love niya. 

“Pero once na… feeling ko 'pag nakitaan niya na hindi okey, parang nawawalan na siya ng gana.

“Sa nakikita ko lang, ha. I really don’t know.

“Sa akin kasi, kahit ano pa ang flaws nitong lalakeng ito, sige, tanggapin ko kasi... kasi you can’t change naman and nobody’s perfect.