Cesar Montano politely turned down the government offer of chairmanship of the Optical Media Board (OMB). Aside from being offered another government post, he says that another person would ably fit, not necessarily from the industry. When Ronnie Ricketts offered the OMB post to Cesar, he told Ronnie: "Hindi ko cup of tea ‘yan at saka mas effective ako sa ibang parte. Like arts and culture–gano’n. Pero para manghuli ng mga pirata... kanya-kanyang skills 'yan, e."

Photo: Noel Orsal

Mukhang wala nang pag-asang maging susunod na chairman ng Optical Media Board (OMB) si Cesar Montano kapag binakante na ng kasalukuyang Chairman na si Ronnie Ricketts ang posisyon.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Cesar, ipinaliwanag nito ang tunay niyang saloobin sa trabahong inaalok sa kanya ng gobyerno sa OMB.

Nilinaw muna ni Cesar na hindi niya tinanggihan totally ang pagiging opisyal ng anti-piracy office.

Aniya, “Hindi, inaayos namin, pero hindi ako uupo muna... hindi muna. 

“Nagkaroon lang ng misunderstanding.

“Actually, kinausap na ako ni Ronnie bago pa lumabas yun. 

“Sabi niya, ‘Pare, puwede ba mo ba kaming…?’

“'Naku,' sabi ko, ‘kahit gustuhin ko man, pare... it’s really a great honor for me.’

“Pero sabi ko, ‘Hindi ko cup of tea ‘yan at saka mas effective ako sa ibang parte.' Sabi kong ganyan.

“'Like arts and culture, gano’n. Pero para manghuli ng mga pirata...' di ba?

“Kanya-kanyang skills 'yan, e. 

“Pero no’ng lumabas 'yan, para sa akin, thank you, thank you sa ating Presidente.

“Ang aking pasasalamat sa kanya… It’s a great honor para sa aking pamilya,” sabi niya.

Tinanggihan na ba ni Cesar ang alok?

“Inaayos lang siya... inaayos lang namin.