“Gusto ko yung nakakakilig. Ang cute ko kaya 'pag kinikilig!” says Alessandra de Rossi about herself. The Legacy actress dreams of doing a romantic movie where she says, she can show her soft side. “Kaya lang hindi naman nakikita yun, dahil laging Fatal Attraction ang peg ko dito. Yung tipong pagkakita ko [sa lalaki], mahal ko na siya’t kukunin ko siya!”

Photo: Ricky Gay

“Wit! Ayoko, ayaw, ayaw!” nakangiting tanggi ni Alex.

“Sabi ko nga gusto ko yung nakaka-in love ang kuwento, okey?”

“Basta ang gusto ko, something na nakaka-inspire.

“Gusto ko yung nakakakilig. Ang cute ko kaya 'pag kinikilig!

“Kaya lang hindi naman nakikita yun, dahil laging Fatal Attraction ang peg ko dito.

“Yung tipong, pagkakita  ko [sa lalaki], mahal ko na siya’t kukunin ko siya!” banggit pa ni Alex sa 1987 psycho-drama-thriller kunsaan ginampanan ng Hollywood actress na si Glenn Close ang papel ng isang babaeng baliw na baliw sa lalaking naka-one night stand niya, na ginampanan naman ni Michael Douglas.

“Gusto ko yung nade-develop sila sa isa’t isa. Yung, ‘Ay, ang cute nila. Ayan na, blooming na si Alex… yung ganun,” paghahalimbawa pa ng aktres sa puwedeng maging dating ng dream romantic movie niya.

Pero sa kabila ng kagustuhan niyang makagawa ng romance movie o romantic-comedy movie, aminado si Alex na hindi siya nanonood ng mga ganitong klase ng pelikula.

“Hindi ako nakapanood… hindi ko siya trip.

500 Days of Summer! Cute. Yun, napanood ko yun. Yung mga ganun lang,” biglang naalala niya ang 2009 Zooey Deschanel-Joseph Gordon-Levitt starrer.

“Bagay sa akin yung role ng matalinong babae, kasi nasa itsura ko yun… Tsarot!” biro pa ni Alex.

Pero pagseseryoso ng aktres, gusto niya raw yung tipong Before Sunset na pelikula.

Ang tinutukoy ni Alex ay ang 2004 movie na kuwento ng isang American book author na ginagampanan ni Ethan Hawke na na-in love sa isang French woman na may pamilya na, na ginagampanan naman ni Julie Delphy.

“Yung normal lang na nagkukuwentuhan sila, pero kinikilig ka, yung ganun. Yun ang magagandang gawin.

“Kasi dun makikita ang lalim ng isang artista, e,” sabi ni Alex.