news

PEP EXCLUSIVE: Jean Garcia understands Martin Escudero's regrets about prioritizing ex-girlfriend Jennica Garcia over his family

by Erwin Santiago posted on March 28, 2012  STATS: 26889 Views | 6 Comments

Jean Garcia on her daughter's ex-boyfriend, Martin Escudero: “Naiintindihan ko siya na, kumbaga, parang hindi niya… na nagsisisi siya na hindi niya na-prioritize ang family niya. Kasi ako, maski naman ako kay Jennica, sinasabi ko din ‘yan, di ba? Dahil ako mismo, ganun din ako. Ang priority ko is yung family. Priority ko ang mga anak ko, hindi ba?"

Photo By: Noel Orsal

“Yung Alice Bungisngis kasi namin, thrice a week. Pagsanjan kami and Tagaytay, so bumibiyahe din kami.

“So, kung aalis ako ng 4 a.m., makakauwi ako kinabukasan sa bahay ng 10, 11 na ng tanghali.

“So, itutulog ko ‘yon kasi bukas ulit, alas-kuwatro na naman ng madaling-araw, so wala talagang oras, e.

“‘Tapos yung oras na weekend na usually na libre ko, ibinibigay ko na talaga sa mga… kasi puwera kay Jennica, may anak pa akong lalake—si Kotaro.

“And young pa rin so may mga lambing na, ‘Nood tayo ng sine, Mama. Mag-malling tayo.’”

Hindi niya ba nami-miss ang magkaroon ng relationship o feeling na in love?

Sabi ni Jean, “Hindi naman… hindi ko naman siya nami-miss.

“Kung darating, darating, e.

“But open ako, ha. I mean, kung ibibigay ni Lord, ibibigay sa akin, why not?

“Gusto ko naman may companion sa pagtanda ko, hindi ba?

“At alam ko na mag-aasawa at mag-aasawa ang mga bata, hindi ba, at maiiwan din ako.

“Maganda rin na may kasama ako sa buhay.”

Gusto niya pa rin bang makasal balang-araw?

“Of course! Of course!” mabilis na tugon ni Jean.

“Kung hindi man makasal, okay na ‘yon, basta may kasama ako hanggang sa pagtanda ko.”

« Prev  1  2  3  4  5  6  7  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

6 Comments

  • Princess_Irish18

    04/29/2012 | 05:13 PM
    napaka walang modo naman ni mart sa pinagsasabi nya,,,dapat di sya nagsasalita ng ganun ehh,,,porket nakipag hiwalay lang si jennica sakanya??,,hindi ganyan ang kino comment ng isang gentleman na lalaki,,,tsk >:
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • wilfredonggago

    03/29/2012 | 01:22 PM
    napakataray pag contravida role, napaka-effective umakting na evil pero etong si Jean Garcia, SAKSAKAN NG BAIT SA PERSONAL! NAPAKABAIT NA TAO PO NITO! NAPAKABAIT SA FANS. NI HINDI SUPLADA. BATIIN MO, BABATIIN KA PABALIK!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gopinoy

    03/29/2012 | 01:11 AM
    one of the prettiest in showbiz. mahusay si madam claudia lol..di ko malimutan yan tumatak na sa amin ang amor at claudia nila ni eula....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pearl102

    03/28/2012 | 08:30 PM
    Si Jean Garcia ang isa sa mga artista na super galing na hindi na kailangang magka Award para patunayan lang. Hindi siya pinababayaan ng GMA at ngayon naman eh hahasain siya sa hosting.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Joseth

    03/28/2012 | 04:55 PM
    Ang ganda ganda na ang galing galing pa. Bravo Ms. Jean. God bless.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • mai_chan

    03/28/2012 | 04:47 PM
    Ang ganda talaga ni Ms. Jean walang kakupas kupas!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About