[x]

Kylie Padila is one of the invited guests at Aljur Abrenica's birthday party in Batangas last Saturday, March 24, but the young actress was not able to attend. She explains, “May Party P [Pilipinas] rehearsal po kasi. And then, may party po ang buong pamilya that same night. Siyempre, mas pinili ko yung pamilya ko. Ang layo kasi ng Batangas!"

Photo: Noel Orsal

Nakapag-bonding na ba sila ng kanyang Tita BB?

“Hindi pa. I think she’s getting together with her other friends muna. Kasi ang tagal niyang nawala,” sabi ni Kylie.

Sinabi rin ng dalaga na kaya siya hindi nakapunta sa birthday party ni Aljur ay dahil kasabay nito ang party naman para sa kanyang Tita BB.

HOLY WEEK PLANS. Ngayong parating na Holy Week ay plano ni Kylie na magpunta sa Baguio.

“Sana this time matuloy,” sambit niya.

Sino ang kasama niya?

“Gusto ko munang mapag-isa, mag-isip, magpahinga.

“Kasi the show [The Good Daughter], I’m really getting involved, so medyo nakakapagod din.

“Pero… you know, just relax. Magbabasa lang ako do’n sa Baguio.”

Puwede niya bang isama si Aljur sa Baguio?

“Gusto ko po munang mapag-isa, e. Walang ibang tao, walang nanggugulo!” natatawang sabi ni Kylie.

Dagdag pa niya, “Para matahimik lang. Kailangan ko minsan ‘yon, e, pahinga talaga.”