news

Part 1. Rocco Nacino still on cloud nine after back-to-back acting awards; not closing his doors on nude scenes

by Erwin Santiago posted on March 28, 2012  STATS: 8641 Views | 8 Comments

Rocco Nacino on doing nude scenes: “I would say because I love this art, I love this craft, I love finding challenges for different kinds of characters, there may come a time na pag-isipan ko na gawin ‘yan… ganyang klaseng ka-daring. Kasi nga, just to experience different kinds of roles, I guess I would do it.”

Photo By: Noel Orsal

“Cloud nine pa rin ako!”

Ito ang masayang sambit ni Rocco Nacino nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang pakiramdam na sa loob ng sampung araw ay nakadalawang acting awards siya.

Noong March 14 ay nagwaging Best New Movie Actor si Rocco sa 28th Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Ten days later, noong March 24, ay nanalo naman siya sa kategoryang Breakthrough Performance by An Actor sa 9th Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society (EnPress).

Ang dalawang tropeyo ni Rocco ay para sa pagganap niya sa kanyang debut film na Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa, na isa sa mga New Breed entries sa Cinamalay a film festival noong isang taon.

Ang mga napanalunan niyang awards daw ay naging dahilan para mas lalo siyang maging “motivated” sa kanyang trabaho.

Sabi ni Rocco, “Very motivated dahil nakausap ko ang mga taong talagang nagke-care sa akin, na sinasabihan ako na ‘Pag nalaman ko na lumaki ang ulo mo, ako ang unang-unang susuntok sa ‘yo!’

“I had few people tell me that at nagpapasalamat ako na nagke-care sila sa akin, concerned sila sa akin.

“At sobra akong ganadong magtrabaho ngayon.”

Saan nakapuwesto ang dalawang acting trophies niya?

“Sa divider namin sa bahay, katabi yung trophies ko sa StarStruck,” nakangiting sabi ni Rocco.

Inaasahan ba niyang madadagdagan pa ang awards niya ngayong taon?

“Hopefully, with the projects I’m receiving now, magaganda yung feedbacks… sa Good Daughter, maganda yung feedback.

“I’m just hoping for the best.

“Kung ma-nominate, malaking honor na ‘yon para sa akin.”

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

8 Comments

  • jazzz

    04/02/2012 | 12:46 PM
    paulo avelino sikeat na? indi nga?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • eugeniogozon2

    03/30/2012 | 06:14 PM
    May acting award nga, pero mas sikat naman ngayon si Paulo Avelino.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • grazildachuvastra

    03/29/2012 | 01:56 PM
    Buti pa si Rocco panalo ng DALAWAng Acting Awards! Eh si Angel nanalo nga ang dami namang batikos kesyo binayaran ni Malou Santos ang Star Awards!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • thunder_1273

    03/29/2012 | 11:35 AM
    Naungusan mo pa sila ALJUR at MARK HERRAS.... Puro kasi LOVELIFe inaatupag ng mga yun... CONGRATS!...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Paradigm

    03/29/2012 | 11:01 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • MissHugoBacungan

    03/29/2012 | 08:24 AM
    CONGRATULATIONS. Well done, Rocco. Hard work pays at GMA7. Madami at sunod sunod ang magagandang blessings. Hindi tulad nun nangyari dun sa isa na LUMIPAT sa ABS CBN at ngayon ay UNEMPLOYED na dahil walang project sa DOS!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • brainful_than_brainful

    03/29/2012 | 01:23 AM
    bukas makalawa nasa abs-cbn na yan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    03/28/2012 | 10:17 PM
    good actor from GMA7... congrats!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About