[x]

Rocco Nacino on doing nude scenes: “I would say because I love this art, I love this craft, I love finding challenges for different kinds of characters, there may come a time na pag-isipan ko na gawin ‘yan… ganyang klaseng ka-daring. Kasi nga, just to experience different kinds of roles, I guess I would do it.”

Photo: Noel Orsal

Dagdag pa ni Rocco, “Alam ko may mga injuries ako ngayon kaya hindi ako makapag-train sa Lam-ang.

“Pero nakakalimutan ko ‘yon at gusto kong maging perfect itong Lam-ang na ‘to kaya kahit anong sakit, titiisin ko para maging maganda itong film.”

NUDITY IN FILM. Ang Lam-Ang ay ang pagsasapelikula ng epic Ilocano poem na Biag Ni Lam-ang. Si Rocco ang gaganap sa title role.

Sa April 20 na ang simula ng shooting ng pelikulang ito.

Handa na ba ang katawan ni Rocco para sa Lam-ang, kung saan nakabahag lamang siya?

Ayon sa StarStruck V alumnus, “Hindi, ngayon tinigil ko muna pag-diyeta kasi bumagsak yung katawan ko, e. Nasira yung resistensiya ko.

“Binalik ko muna yung normal kong pagkain.”

Pero handa na ba siyang magpakita ng puwet kung saka-sakali?

“Sige lang! Pakitaan na ng puwet ‘to!” sakay namang biro ni Rocco.

Pero ang sabi sa akin ni Direk Ana [Agabin], hindi naman masyadong revealing ‘to…

“Revealing, pero hindi pa kami nakakapag-costume fitting, e.

“Malamang, during the fight scenes, may makikita pa rin, pero okey lang naman ‘yon—para sa ikakaganda ng movie.”

Hanggang saan ba ang kaya niya pagdating sa pagtanggap ng roles o sa mga eksenang gagawin niya? Handa ba siyang maghubad o gumawa ng nude scenes sa pelikula?

Nabanggit ng PEP kay Rocco na hindi naman porke’t may nude scenes ay nangangahulugan nang bold ang tema ng isang pelikula.

Ibinigay naming halimbawa ang 2011 Taiwanese film na You Are The Apple of My Eye na isang romantic-comedy film, kunsaan maraming nude scenes ang bidang lalake (Ko Chen-tung).