Is this Ai-Ai delas Alas's new boyfriend? In an interview with The Buzz, the comedienne did not mention the man's name but gave him a code: "FPJ" of "Feeling Parang Jowa."

Photo: Jerome Ascaño

Nakuhaan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi, Marso 28, ang comedy actress na si Ai-Ai delas Alas na ini-enjoy ang basketball match sa pagitan ng Talk N’ Text Tropang Texters at Petron Blaze Boosters, kasama ang ilan niyang mga kaibigan sa Smart-Araneta Coliseum.

Pero pumukaw sa atensiyon ng ilang nanood ang matangkad at matipunong lalaki sa tabi ng Comedy Queen.

Ang kuwento ng photographer na siyang may kuha ng paparazzi shot, naringgan daw ang dalawa na nagtatawagan ng “Babe.”

Hindi kaya't ang mystery guy na ito na chinito at skinhead  ang napapabalitang bagong boyfriend ng Wako Wako actress?

Marami rin ang nakakita na lumabas sa Smart-Araneta sina Ai-Ai at ang mystery guy nang magka-holding hands.

Sa February 26 episode ng The Buzz, inamin ni Ai-Ai na nasa “getting-to-know” stage pa lang sila ng lalaking naiuugnay sa kanya ngayon.

Mas bata raw sa kanya ang lalaki ng dalawampung taon, isang car company executive, at may hawig daw kay Senator Bong Revilla, Jr.

Sa interview ni Ai-Ai sa nabanggit na ABS-CBN showbiz talk show, ipinahiwatig niyang gusto ulit niyang pumasok sa isang relasyon.

“Tingnan natin. Kasi, di ba, hindi naman natin alam ang buhay?

“Pero siyempre maganda kung meron kasi, di ba, maikli lang ang buhay?

“Kailangan maging masaya tayo,” sabi pa ng 47-year-old comedian.

Nabigla naman si Ai-Ai nang tanungin siya ng The Buzz co-host na si Charlene Gonzalez-Muhlach kung ang lalaki ba ay taga-Kia Motors.

“Diyos ko, susmaryosep! Ano ka ba, Charlene? Matutuwa sila, tataas ang sales nila… Bigyan na lang natin siya ng code name… Ano na lang siya, ‘FPJ’ — Feeling Parang Jowa,“ sagot ni Ai-Ai.

Sinabi naman ni Ai-Ai kung ano ang mga nagustuhan niya kay “FPJ.”

“Mabait, tsaka pogi. Bagay kami kasi maganda ako. Siyempre alangan namang kumuha ako ng pangit? Siyempre dapat pogi,” sabi pa ng komedyante na ikinatawa ng mga tao sa loob ng studio.