news

Regine Velasquez-Alcasid on Twitter bashers: “E, ‘yon ang kaligayahan nila, so hayaan na natin.”

by Elli Alipio posted on March 29, 2012  STATS: 36407 Views | 28 Comments

Regine Velasquez-Alcasid on husband Ogie Alcasid's new advocacy: “I’m very, very proud of my husband, kasi ano niya ito, e, idea niya ito, e.”

Photo By: Melo Balingit

Isang sorpresa sa karamihan ang pagdating ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa launching ng OPM2Go kagabi, March 28, sa Eastwood Citywalk.

Ang maybahay ng singer-songwriter na si Ogie Alcasid ay nagbigay-suporta sa kanyang mister at naghandog pa ng kanta sa mga dumalo sa naturang event.

Pagkatapos ng kanyang performance ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Regine.

Ano ang masasabi niya na mayroon nang OPM2Go na ang layunin ay mapalawak ang local music industry o OPM?

“I’m very happy,” ngiti ng Asia’s Songbird.

“Actually, no’ng kinukuwento pa lang sa akin ito ng asawa ko, na-excite na ako agad, e.

“Kasi alam ko na kailangan natin ng ganito, e. Para mabuhay ulit ang ating industriya at saka para mas madali na makakuha ng mga songs.

“Kasi puwede sa phone lang, madaling mag-download, ang dali.”

SUPPORTIVE WIFE. Sa mga ganitong adhikain ni Ogie, sobra-sobrang suporta raw ang ibinibigay ni Regine sa kanyang mister.

Aniya, “Siyempre, ‘yon naman ang role ng asawa—suportahan yung mister.

“And I’m very, very proud of my husband, kasi ano niya ito, e, idea niya ito, e.

“At natutuwa ako na… it’s coming to life yung mga iniisip niya, nangyayari, natutuwa ako.

“'Tsaka ayun na nga, I’m very proud.

“We’re so blessed kasi mabait rin kasi siyang tao, kaya talagang bine-bless siya ni Lord.”

OGIE & EUGENE. May ginagawang musical film ngayon si Ogie, ang I Do Bidoo Bidoo, kung saan ang gaganap niyang asawa ay si Eugene Domingo.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

28 Comments

  • 28  fecatada

    04/07/2012 | 01:00 AM
    TOTOO YAN DITO SA ABROAD ANG DAMING PINTASIRA MGA PANDAK PA NAMAN AT BUNGI ANG MGA PINTASIRA PARANG ALA WINNIE DE POOH ANG PORMA SA BODY HAHAHAHAHAHA....SORRY GOOD FRIDAY PERO KAKAINIS ANG MGA PINTASIRA KAHIT ANG PANGIT NAMIMINTAS. WALA RING ALAM EH DUWAG NAMAN WALANG WORK HISTORY MGA 2 MONTHS LANG SA WORK TAPOS ALIS NA PERO PANAY PAMINTAS SA KAPWA HAHAHAHAHA....MAY SAYAD YATA ANG MGA GANYAN.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  fecatada

    04/07/2012 | 12:58 AM
    Ay masanay kana Regine hindi pinoy kong hindi namimintas kahit sa abroad mga Pinoy mahilig mamintas pati bata hindi pinatawad wala kasi silang salamin. Dapat tingnan muna ang sarili nila bago sila mamintas. Isa pa may edad na si Regine na nag-anak nasa research yan pagmanganak ka nang over 26 years old at lahing tabain, mahirapan nang maglose weight kahit once lang nanganak. AT LEAST MAY LAKAS LOOB SI REGINE NA LUMABAS REGARDLESS OF HER APPEARANCE! I SALUTE HER IBANG ARTISTA YAN PALAGING NAKABLACK OR DI MAGPAKITA MUNA PERO SI REGINE LANTARANG PINAKITA SA PUBLIC ANG HITSURA NIYA INFAIRNESS. I AM NOT A FAN OF HER OR OGIE, BUT I ADMIRE THEM FOR COMING OUT SA PUBLIC REGARDLESS OF HER WEIGHT.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  wisdomtooth

    04/06/2012 | 06:19 PM
    Simple lang yan Regine. WAG KA MAGTWITTER ACCOUNT! Kung gusto mo ng privacy wag ka magFB, twitter or any other social networking sites. May nagsuggest na ba nyan sa iyo. Tao ka lang kahit yan ang sasabihin mo sa totoo lang up to now nasasaktan ka sa mga nababasa mo. Tapusin na ang account na yan. Wag ka na magrelease ng ibang pictures ng anak mo. O kaya sa dami ng pera mo wag ka na tumira sa pinas.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  ClawClown

    04/03/2012 | 02:11 PM
    Naku, Songbird, talaga palang ang laki mo ngayon. Talaga bang ganyan ang babae pag nanganak ng isang beses? Kahit si Claudine na dati ring slim at sexy tulad ni Regine, nagkaganyan. May punto naman kasi ang comment ng isa dito. Ang mga celebrities, kapag nilabas mga pictures ng mga mahal nila sa buhay, ke magulang o anak o kapatid, meron at merong magsasabing hindi maganda. Block na lang, Regine, wag na patulan. Talagang di lahat macu-cute-an sa anak mo. Super milyonarya ka na, kahit ngayon mag-retire ka, kayang-kaya mo iyan. Masaya ako at talagang priority mo mag-alaga sa anak mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  ratedsardines

    04/02/2012 | 06:21 PM
    Sana hindi na lang ipinakita ni Regine sa madla ang picture ng kanyang anak ke Ogie kung hindi din sya handa sa mga ibabatong opinyon ng mga posters na makakamasid dito. May karapatang magalit si Regine sa mga "bashers" nya at ng kanyang anak, Dahil ito ay normal na reaksyon lamang ng isang ina na nagtatanggol sa kanyang anak. Subalit, kung kikilatising mabuti, hindi rin nya masisisi ang mga miron dahil sila ay nagbibigay reaksyon lamang sa kaniang nakikita o nababasa, sa ilalim ng demokratikong bansa. Bukod pa sa rasong si Regine at Ogie ay parehong mga celebrities.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  JeepneyDriver

    04/02/2012 | 02:34 PM
    Kritika1 Huwag mong isama ang issue ng ibang religion..dito..I am talking about the legality..Kung Muslim ka , puwede kang ikasal ng isang Catholic priest o Buddhist monk, pero legally it is not binding..Puwede ka din ikasal ng Mayor or Judge o Kapitan ng barko kung pareho kayong walang pananagutan.. My Point is bakit pa sila mag papakasal with all the publicity , kung wala naman pala itong bisa..bakit di nalang sila magsama..ganun din... Diba yan nga yung grounds why Kris A's Marriage to James was declared na hindi legal , paano..protestant minister nagkasal sa kanila..nandito sa PEP hanapin mo..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  pilyangmaganda

    04/01/2012 | 07:31 AM
    Its good that finally shes happy...........sana makita to ng nanay ni Sarah...tumanda si regine tapos parang naging kabitsena siya ni Ogie bago naging asawa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  kritika41

    03/31/2012 | 11:31 AM
    jeepneydriver- are u kidding me? serious ka ba sa tanong mo? ang legitimacy ng kasal is not just based on any religious background of the person officiating the marital activities..kahit mayor, judge pwedeng mag kasal sa gustong mag-asawa as long as they're authorized to practice so,,sa pinas sila kinasal and ogie's wedding was annulled..di kailang i-recognize ng simbahan ang kasal kasi catholics don't acknowledge any nullities of marriage,,pero hindi ibig sabihin na di sila legal na mag-asawa,,pano na lang mga muslim di naman sila katoliko ibig sabihin di sila legal dahil walang basbas ng pari?,,u gotta be kidding me???? baka gusto mong mag-google further para maintindihan mo naman ang mga bagay na'to..peace brother...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  JeepneyDriver

    03/31/2012 | 09:21 AM
    Paano sila naging great couple...eh officially di naman sila kasal..kasi pareho silang Katoliko pero pastor nagkasal sa kanila.. . .ganyan yung kay Kris Aquino at James kaya walang bisa dahil walang deborsiyo pa sa Pilipinas..kasal pa din si Ogie sa dati niyang asawa..so that means yung anak nila tulad ni Josh..illegitimate.. . .anong great doon.. I doubt it kung kinikilala ng Catholic church yung wedding nila...publicity stunt lang yang kasal na yan...nagtataka naman ako sa Catholic church sa pinas wala man lang sinabi...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  kritika41

    03/31/2012 | 04:16 AM
    ogie and regine are two great couples and artists..they kept themselves grounded especially ogie,,he's a true advocate to OPM and to the rest of filipino artists..zsazsa padilla as well is a cery profound personality her reaction against her bashers was not distasteful..tama naman sya nagtatrabaho lang naman sya just like the rest..with sharon's case she's been into alot of public disputes since last year and what made it worst was she had always something to say against it rather than shrug it off instead..lahat pinapatulan nya and in a way made her in the losing end,,i don't know about u guys,,minsan lumalabas na mayabang si sharon lagi na lang nya sinasabi na she's decent, comes from an affluent family,,kinda make herself really look so superior but her actions says differently,,yeah, she's who she says she is..but i don't think she needs to flaunt that,,,she's really making herself look so low..oh well,,this is social networking no rules at all
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  bratinella1234

    03/30/2012 | 11:02 PM
    basta bashing, numero uno si misshugo! pero tinotolerate at suportado ng kapwa nya kapuso pans... tsk!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  liwayway

    03/30/2012 | 10:59 PM
    tama si regine. bashers want agitated reactions from the bashees, so if the latter keep their cool, walang mapapala ang mga former. sharon cuneta just learned that lesson.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  alexangel

    03/30/2012 | 02:50 PM
    pepfanatic, i also love regine's tweets kasi lagi syang nag twitpic ng mga pics ni nate at ng kanilang pamilya. kakatuwa si nate, ang cuuute! lalo pang binihisan nila ng kung ano-ano.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  alexangel

    03/30/2012 | 02:47 PM
    wow, si ka-epal, nag preach tungkol sa bashing. e ikaw ang example ng basher dahil 100 percent ng post mo paninira. ikaw at si paradigm. go review your posts.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  alexangel

    03/30/2012 | 02:45 PM
    kung meron mang mga artista na dapat idolohin dahil sa kanilang advocacy, sina ogie at regine yun. hindi lang pansarili ang kanilang layunin. i also admire dingdong's charity works with his yes pinoy foundation. yan ang mga artistang dapat tularan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  Speed_OfLight

    03/30/2012 | 09:37 AM
    iam brainFOOL aka ka eFOOL. buking. Ha Ha Ha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  ka_epal

    03/30/2012 | 01:35 AM
    REGINE... pag sabihan mo ang mga KAPUPU, sila ang mga bashers! very well known ang mga KAPUPU sa mga nakakahiyang bagay. one good example is BASHING. SHAME ON YOU KAPUPU!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  lhes2004

    03/30/2012 | 12:57 AM
    MAS maganda nmn ang paliwana nina ms zsa zsa padilla at regine olcasid sa mga bashers nila kaysa ginawa ni sharon sa pagpatol sa mga bashers niya at pati yung iniidolo ng mga bashers dinamay pa nilang mg-ina w/c is wala nmn kinalaman dun sa mga pinagsasabi ng mga basher..natural lng sa mga fans ang makipag away sa mga artista at ipagtatanggol nla ang mga iniidolo nila pero hindi nmn ibig sabihin dun kagus2han yun ng isang artistang iniidolo ng mga basher..kay 2 thumbs up ako kina MS.ZSA ZSA PADILLA at MS.REGINE V.OLCASID! MAY DIGNIDAD!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  eiram48

    03/29/2012 | 11:35 PM
    Miss regine, congrats sa inyo.. I'm ur avid fan, infact half sa mga download songs ko sa mobile ay.mga songs mo. Tma ka. Jst ignore the bashers ttigil dn mga yan. Inggit lng yan cla. Goodluck and Godbless ur family..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • sweetum

    03/29/2012 | 11:00 PM
    Nagtataka ako kung bakit ang iba dito sinasabi yong SOLID SOLID. ABS and GMA will not pay our loyalty to them. Just watch responsibly yong nae entertain kayo. I dont watch, if i dont like it. Im not solid kapamilya and not solid kapuso either, I watch both channels, kung san ako mae entertain. So far sa Pinoy TV I love watching Legacy, Biritera, good daughter, 24 oras and Eat Bulaga. Sa TFC I watch, Walang HAnggan at Dahil Sa Pagibig. Ganda kasi ng cinematography plus ang gagaling din sa acting. I tried to watch My BEloved talaga, pero ang nakikita ko kasi sa scene ay si marian parin, hindi nya talaga nilalagay ang sarili nya sa character nya, so parang DD at Marian ang show. Kaya napapangiwi ako pag sinasabi na taga dos kasi kayo, or taga GMA, eh di naman tayo binabayaran ng mga yan, lol!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About